INSPIRING: JEEPNEY DRIVER, NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO

INSPIRING: JEEPNEY DRIVER, NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO

Lahat ng tao ay mayroong pangarap at isa na dito ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi madali ang mag-aral lalo na kapag ikaw ay na sa kolehiyo dahil napakadaming Gawain, pagsusulit, at higit sa lahat napakalaki ng kailang gastusin.

Mahirap na nga ang mag-aral, paano pa kaya kapag ikaw mismo ang nagtatrabaho para may pasahe, may pangkain, at may pang tuition? Double ang hirap kapag ganito, hindi mo na alam kung ano ang uunahin, pagtatrabo o pag-aaral.

Napakahirap maging working-student, subalit hindi ito alitana ni Marvin Padilla.


Courtesy of Marvin Daludado

Si Marvin ay nakapagtapos ng kolehiyo sa isang unibersidad sa kursong Bachelor of Science in Information technology.

Siya ay nagsimulang mag trabaho bilang driver sa edad na 17-anyos.

Tiniis ni Marvin ang hirap sa pagpapasada at pag-aaral upang matulongan ang pamilya at upang makapagtapos ng pag-aaral.

Hindi lamang ito ang trabaho ni Marvin, sa katunayan siya ay nagbibenta din ng kung ano ano noong siya ay nag-aaral pa. Ayon din sa kanya, hindi daw palagi mayroong kita, minsan meron, minsan wala.

“Laging sinasabi ng iba na bakit pa daw ako namamasada eh nandyan naman daw yung magulang ko bakit di nalang daw ako humingi sa kanila.Di naman porket nandyan yung magulang mo ay iaaasa mo na lahat sa kanila.Natuto akong maging independent at tumayo sa aking sariling paa dahil masarap sa feeling na sa maliit na paraan ay nakakatulong ako sa mga magulang ko…”

– Marvin


Courtesy of Manila Bulletin

Si Marvin ay isa sa mga batang mayroong pangarap at hindi basta-basta sumusuko dahil lamang sa hirap ng buhay. Wala nga namang madali sa mundong ito, lahat ay dapat paghirapan.

Tulad ni Marvin, siya ay naghirap, nagtrabaho, naging driber muna bago makamtan ang pangarap na maging propesyonal.

Courtesy of Marvin Daludado

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa ika nga nila. Walang mangyayari sa buhay natin kapag tayo ang maghihintay lamang, dapat tayo ay gumalaw din, gumawa ng paraan upang dahan-dahang makamit ang inaasam na magandang buhay.

For moe updates, Please follow our Page