TAPAT NA MGA BATA, NAGSAULI NG PITAKA

TAPAT NA MGA BATA, NAGSAULI NG PITAKA

Wala sa edad ang pagiging isang mabuting tao at pagiging tapat. Minsan na lamang tayo makakita ng tapat na tao lalo na mga bata.

Sa hirap ng buhay, minsan pati mga bata ay natututong magnakaw, maging bahagi ng mga bukas taxi gang at kung ano ano pa. Subalit, kahit ganon, mayroon paring mga bata na matapat kahit na ganito kahirap ang buhay.


Courtesy of Xer Yoker

Ayon sa post ng isang netizen na si Xer Yoker, ibinalik daw ng dalawang bata ang wallet na mayroong pera at driver’s license.

Marami ang natuwa sa mga bata dahil kahit sila mismo ay kailangan ang pera, hindi sila nagpadala sa temptasyon at isinauli ang nakitang wallet sa awtoridad.

Courtesy of Xer Yoker

Mahirap nga ang buhay at hulog ng langit na sana ang perang nakita ng dalawang bata, subalit ito ay hindi sa kanila at pinili nilang gawin kung ano ang tama.

Ang mga batang ito ang nagpakita ng kabutihan sa hindi nila kilalang tao. Sila ay gumawa ng mabuting asal kahit pa ito ay walang kasiguraduhang premyo o kabayaran.

Courtesy of Xer Yoker

Ang pagiging matulongin sa kapwa ay hindi nakabase sa edad, estado ng buhay, o pinag-aralan. Kahit sino ay kayang gumawa ng tama o mabuti sa ibang tao, kahit sino maaaring maging inspirasyon sa iba, kahit bata o matanda.

Sa napakahirap na buhay, may mga tao o mga bata parin na tumutulong na mapagaan ito, may mga inosenteng bata na kayang magbigay kulay sa mundong ito.

Umaasa parin ako na ang mga bata nga ang pag-asa ng bayan dahil sa ginawang mabuti ng dalawang batang ito.

For more updates, Please follow our page.