HULOG NG LANGIT,  ANG TINDERO NG SAGING

HULOG NG LANGIT, ANG TINDERO NG SAGING

Walang Malaki o maliit sa pagtulong. Isang piso, isang tinapay, isang basong tubig, para sa mga nangangailanan, ito ay napakalaki nang tulong.

Ang pagtutulong ay hindi rin nakabase sa iyong katayuaan sa lipunan. Mahirap o mayaman, lahat ay kayang tumulong na galling sa puso.


Courtesy: ABS-CBN News
Si Jerry Pornales na isang tindero ng saging ay nag bigay ng donation sa community pantry

Sa isang community pantry sa Commonwealth, may isang tindero ng saging at itlog na nag-ambag ng tulong. Si Mang Jerry nakilala sa kanilang lugar na tindero ay naisipang magbigay ng maliit na tulong sa malapit na community pantry sa kanilang bahay. Ayon kay Mang Jerry, ginawa daw niya iyon dahil noong sila ang nangangailangan, may mga tao rin na tumulong sa kanila upang makaraos at ito daw ang kanilang paraan upang ibalik ang tulong na nakamtan noon.

Courtesy: ABS-CBN News
Si Jerry Pornales na isang tindero ng saging ay nag bigay ng donation sa community pantry

Hindi raw inasahan ng mga organizer na tutulong si Mang Jerry, nagulat pa nga daw sila na imbis na siya ay pumila upang kumuha ng pangangailangan, siya daw ay nagdala ng tulong para sa ibang tao. Ayon sa organizer, ang ipinkaita daw ni Mang Jerry ay napakamakabuluhan at ito daw ay nagpapakita ng bayaninan ng mga Pilipino.


Courtesy: ABS-CBN News

Sa buhay, kahit sino ay pwedeng tumulong at tayong mga Pilipino ay likas na matulongin kahit pa na kumakalam ang sikmura. Sa panahon na kinakaharap natin ngayon, napaka importante ng pagtutulongan, nang pagkakaisa.

Minsan, napakahirap nga ng buhay at nang ‘di inaasahan may mga taong handang tumulong sa atin, may mga taong hulog ng langit sa buhay natin.

Kaya dapat, kung tayo sa huli ay magkaroon ng sobrang biyaya, dapat ito ay atin ding ibahagi sa iba.

For more updates, Please follow our page.