PWD NAGLALAKO NG FACESHIELD KAHIT NA MAY KAPANSAN@N

PWD NAGLALAKO NG FACESHIELD KAHIT NA MAY KAPANSAN@N

Ang buhay ay sadyang mahirap, walang madali kahit na kompleto ang mga parte ng ating katawan. Kahit pa tayo ay may dalawang kamay at paa, hindi mapagkakait na napakahirap talagang mag hanap buhay.

Naging mas mahirap ang buhay simula nang dumating ang pandemya, maraming nawalan ng trabaho, ng tahanan, at may mga taong natutulog ng walang laman ang tiyan.

Subalit, kahit ganon paman ka hirap ang buhay natin lalo na sa panahon na kinakaharap natin ngayon, may mga tao parin na kahit nahihirapan na at kahit pa mayroong kapansanan ay pinipiling mag hanap buhay parin para lamang may mapakain sa pamilya.

Courtesy: Jacklyn Hidalgo

Sa isang post ng netizen na nag viral, makikita na ang isang PWD ay matiyagang nagbibenta ng faceshield at alcohol sa daan.

Ang lalaking ito ay si Kuya Darwin, siya ay mayroong kapansanan, subalit kahit mahirap ang kaniyang situwasyon, kaniyang pinili parin ang mag benta sa kalsada.

Ayon sa post, nilalako daw ni Darwin ang kaniyang paninda kalapit sa estasyon ng pulis sa kanilang lugar at medyo daw may kamahalan ang benta ni Kuya Darwin dahil siya daw ay reseller lamang.


Courtesy: Jacklyn Hidalgo

“Hello guys. My friends from maguyam lalo na ung mga nagwowork jan. Baka po makita nyo si kuya darwin malapit jan sa may taifini sa may police station. Pakiusap po sa kanya na kayo bumili ng faceshield.. Reseller ko po siya.70 pesos bentahan niya.. Medyo pricy. Pero isipin nyo na lang po tulong nyo sa kanya. Nakakaproud po iyan siya. Masipag po sa kabila ng kalagayan at pandemic..”

Courtesy: Jacklyn Hidalgo

Marami ang bumilib kay Kuya Darwin dahil hindi na nga madali ang kaniyang situwasyon, kinaya parin nito na mag tinda ng faceshiel at alcohol sa kalye.

Walang madali sa mundong ito, lahat na nais natin ay dapat nating paghirapan upang ating makamit ito.

Tulad ni Kuya Darwin, kahit napakahirap ng kaniyang pinagdadaanan, kinakaya niya ito dahil gusto niyang kumita upang mayroong maiuwi sa pamilya. Hindi hadlang ang kapansanan o kakulangan upang tayo ay magpatuloy sa ating mga buhay.