MAGSASAKA NAKATANGGAP NG BOUQUET NG PERA

MAGSASAKA NAKATANGGAP NG BOUQUET NG PERA

Ang magsas@ka ay maituturing na pinakamasipag na mga tao dahil ang kanilang trabaho ay hindi biro at natutulog pa ang araw, sila ay gising na upang magtrabaho.

Ganon paman, kahit gaano kasipag ng ating mga magsasaka, marami parin sa kanila ang kapos sa pera dahil lahat ng bilihin ay tumataas, subalit ang kanilang palay na binebenta ay bumabagsak ng bumabagsak ang presyo.

Ang mga magsasaka ay dapat bigyang pugay dahil sila ang nagpapakain sa atin ng kaninin.

Sila ang araw-araw nagtatrabaho ng mabuti upang may anihin na palay na sa kalaunan ay magiging kanin sa ating hapag kainan.

Sa isang post sa social media, binigyang pugay ng isang netizen ang magsasaka na si Larry Longboy ng Ilocos Norte.

Siya daw ay isang masipag na magsasaka ngunit salat sa buhay. Noong kaarawan ni Larry, siya ay sinurpresa ng kaniyang mga kamag-anak sa abroad.

Siya ay pinadalhan ng isang malaking bouquet, pero hindi lamang ito bouquet ng bulaklak, ngunit ng pera.

Ang bouquet ay mayroong pera na nagkakahalaga ng 200,000 pesos.

Hindi makapaniwala si Larry sa kaniyang natanggap sa kaarawan.

Siya ay nakadama ng labis-labis na tuwa at ayon sa kaniya, ito ay makakatulong daw ng Malaki sa kanilang pamilya at gagamitin niya rin ito upang makabili ng bagong traktora upang makatulong sa kaniyang hanap buhay.

Maraming netizen ang napa “sana all” sa nakitang post na ito dahil sino nga ba naman ang ayaw makatanggap ng bouquet?

Lahat naman tayo ay karapatdapat makatanggap ng bouquet, subalit mas karapat dapat si Larry na makatanggap nito dahil siya ay isang mabuti at masipag na tao, na gingawa ang lahat upang matustosan ang pangangailangan ng pamilya.