ALAMIN: BAKIT NGA BA WALANG MALAKING BOTE ANG YAKULT

ALAMIN: BAKIT NGA BA WALANG MALAKING BOTE ANG YAKULT

Marami sa atin na kinalakihan ang inuming yakult at isa ito sa mga paborito nating inumin.

Ang yakult ay isang probiotic milk drink na mayroong Lactobacillus casei strain Shirota (LcS).

Ang yakult ay may mga napatunayan ng benipisyo sa ating katawan lalo na sa gastrointestinal tract (GI) ayon sa mga pag-aaral.

Ayon sa kompanya ng yakult, ang pag-inom nito araw-araw ay makakatulong sa pagtunaw ng ating mga kinain at ito ay mamakatulong din upang mapalakas ang ating immunity.

Bagamat may mga mabuting benipisyo ito sa ating kataway at marami ang nasasarapan o paborito ang yakult, bakit kaya hindi ito nag bibenta ng malalaking bote?

Dahil sa pagtataka, ang isang netizen na si Roseller Kempis ay nagtanong sa facebook page ng yakult kung bakit walang malaking size ang yakult.

Agad namang sumagot ang yakult na iniiwasan nilang mag benta ng yakult na nasa malaking bote dahil ang yakult daw ay dapat inumin agad pagkatapos nitong mabuksan upang maiwasan ang contaminasyon.

Ang yakult kasi ay mayroong tamang bilang ng live culture sa kada bote at maaari itong maging malapit sa contaminasyon kapag ito ay hindi naubos sa isang bukasan lamang.

Isa pa, ang maliit na bote ng yakult ay sapat na upang makatulong sa ating digestive system, kaya hindi inirerekomenda na uminon ng yakult na sobrang dami.

Nung natanggap ni Roseller ang sagot sa kaniyang mga tanong tungkol sa yakult, agad niya itong pinost at maraming mga netizens din ang nalinawan kung bakit nga ba walang malaking size ng yakult ang binebenta sa ating mga tindahan.

Ang yakult ay ginawa upang makatulong sa ating kalusogan at ito ay nilagay nila sa maliliit na lalagyan o bote parin din sa ating kapakanan.