ANNE CURTIS, AMINADONG CARBON COPY NG ANAK ANG KANIYANG ASAWA

ANNE CURTIS, AMINADONG CARBON COPY NG ANAK ANG KANIYANG ASAWA

Taong 2017 nong kinasal sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand.

Marami ang tumutok sa kanilang love story at kasal dahil napaka ganda nga naman ng chemistry ng dalawa.

Pagkatapos ng kanilang kasal, marami din ang naghintay sa kanilang magiging anak at ayon sa mga fans, tiyak na sobrang ganda daw ng kanilang magiging anak dahil ang mag-asawa ay mayroong napakagandang mga itsura din.

Makalipas ang ilang taon, inanunsyo ni Anne ang kaniyang pagbubuntis at maraming natuwa sa magandang balita na ito.


Courtesy: Anne Curtis

Marso 2, 2020 pinanganak ni Anne ang kanilang anghel sa Australia at marami ang sobrang excited na makita ang bata lalo na ang showtime family ni Anne.

Makalipas ang isang taon, ang mag-asawang Anne at Erwan ay nagdisesyong bumalik muli sa Pilipinas.

Ayon kay Anne, hindi daw siya nagmamadaling bumalik sa pagtatrabaho dahil gusto niyang nasa tabi siya ng anak habang ito ay lumalaki.

“Wru goin’ little one?

Carbon copy of her papa but everything else…?”

– Anne Curtis


Courtesy: Anne Curtis

Sa mga posts ni Anne Curtis sa kaniyang Instagram, makikita ang ibat-ibang litrato ng kanilang pamilya at ng anak na si Dahlia.

Marami ang humanga sa angking ganda ni Dalhia at sa isang post ng aktres, inilagay nito sa caption na kamukang-kamuka daw ng anak ang kaniyang ama na si Erwan.


Courtesy: Anne Curtis

Maraming netizen ang natutuwa sa anak nila Anne at Erwan dahil ito ay sobrang cute at ganda.

Inaasahan din ng mga fans na ang anak nila ay magiging artista balang araw.

Sa ngayon, si Anne ay abalang nag-aalaga sa anak at ito ay parati niyang pinapakita sa kaniyang social media accounts na labis ding kinatutuwaan ng mga netizens at totoo nga naman, carbon copy nga talaga ni Dalhia si Erwan.