ANAK NI ANDY NA SI LILO, NAG SURFING KASAMA ANG KANIYANG AMA

ANAK NI ANDY NA SI LILO, NAG SURFING KASAMA ANG KANIYANG AMA

Marami ang nagulat o na bigla noong unang inamin ni Andy Eigenmann na siya at ang professional surfer na si Philmar ay mayroong relasyon at kasunod non ay ang paglipat ni Andy sa Siargao.

Marami ang humanga kay Andy dahil siya ay namumuhay ng simple sa Siargao.

Walang magarbong sasakyan, mga gamit, walang make-up kapag humarap sa mga tao, at ito ay kumakain ng mga street foods kasama ang kaniyang partner.

Sila ni Philmar Alipayo at Andy ay nabiyayaan ng isang malusog at magandang anak na pinangalanang Lilo noong 2019.

Marami ang natutuwa sa bata dahil ito ay makikita rin sa mga vlogs ng kanilang pamilya.


Courtesy: happy islanders youtube channel

Sa ngayon, si Lilo sa ngayon ay isang taong gulang at mag dadalawa sa July 23, 2021. Sampung buwang gulang palamang si Lilo ng una itong tinuruan mag surfing ng kaniyang ama at proud na proud dito sa Andy.

Sa ngayon, sila ni Andy ay bumalik na sa Siargao at makikita sa kaniyang bagong bidyo sa youtube na ang kaniyang anak na si Lilo ay tunay nga na island girl. Makikita sa isang video clip na si Lilo ay tinuturuan ng kaniyang ama na mag surfing at tuwang-tuwang dito ang bata.


Courtesy: happy islanders youtube channel

Marami ang namangha sa kay Lilo dahil hindi ito takot sa tubig, at makikitang grabe ang pagpapasensya ng kaniyang ama sa pagturo at pag bantay sa kaniya.


Courtesy: happy islanders youtube channel

Tulad ng imahe ng isang ama, si Philmar ay naging haligi ni Lilo habang siya ay nakasakay sa surf board, at hindi nito hinahayaang masaktan ang bata.