IVANA ALAWI, GUSTONG MAKITA NG PRINSIPE

IVANA ALAWI, GUSTONG MAKITA NG PRINSIPE

Ang Filipino-Moroccan na artista, model, at vlogger na si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay isa sa mga hinahangaan ng maraming Pinoy hindi lamang dahil sa kaniyang magandang itsura at kataw@n, ngunit pati narin sa pagiging mabuting tao.

Sa youtube ay mayroong 13-milyong followers si Ivana at dito makikita ang iba’t-ibang bidyo na nagpapakita kung ano nga ba ang tunay na ugali ng aktres.

Unang nag viral ang bidyo ni Ivana na naglalaba at marami ang namangha dahil napaka simple lamang ng aktes at sumunod na don ang mga bidyo na nagpapakita ng mga tinutulongan ni Ivana.


Courtesy: Manila Bulletin

Maraming tagahanga ang aktres hindi lamang sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo at isa sa mga nakapansin kay Ivana ang prinsepe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah.

Siya ang pang sampung anak ni Sultan Hassanal Bolkiah at kilala din ito bilang isa sa pinakamayamang prinsepe sa buong mundo.

Courtesy: Ivana Alawi facebook account

Si Prince Abdul ay isang Polo player at una nitong napansin ang kagandahan ng aktres sa bidyo na pinapanood ng taga alaga niya ng kabayo.


Courtesy: the smart local

Ayon din sa isang articulo, nagtanong daw ang prinsepe kung paano makikita ng personal ang aktres dahil siya ay sadyang nabigh@ni sa kagandahan nito.

Totoo nga na maganda si Ivana Alawi, ngunit hindi lamang ito ang maganda sa kaniya.

Siya ay mayroong mabuting puso na handang tumulong sa ibang tao na mas nagpapaganda sa kaniya, kaya kahit sino nga naman ay hahangaan siya.

Wala pang binigay na pahayag si Ivana tungkol sa prinsipe sa ngayon at marami ng fans ang kilig na kilig sa kung ano ang mangyayari, kung pap@sa ba sa stand@rds ni Ivana ang Prinsipe ng Brunei.