ANAK NINA BILLY AT COLEEN, KINAGILIWAN NG MGA NETIZENS

ANAK NINA BILLY AT COLEEN, KINAGILIWAN NG MGA NETIZENS

Taong 2014 noong inamin nina Billy Crawford at Coleen Garcia na silang dalawa ay may relasyon at makalipas ang apat na taon, silang dalawa ay kinasal sa Balesin.

Marami ang tumutok sa love story ng dalawang artista na di umano ay nag simula sa isang TV show kung saan silang dalawa ay magkasama.

Makalipas ang ilang taon, ang kanilang pagmamahalan ay nag bunga.

Taong 2020 ng pinanganak ni Coleen Garcia sa kanilang bahay sa pamamagitan ng water birth ang kanilang panganay na anak na si Amari.

Courtesy Photo: Billy Crawford and Colleen

Marami ang naging masaya ng malaman na nanganak na si Coleen at excited ang lahat na makitang lumaki ang bata.

Si Amari ay nagsilbing kasiyahan sa kaniyang mga magulang at sa mga netizen dahil ito ay makikita din natin sa mga posts ng kaniyang magulang sa social media.

Courtesy Photo: Billy Crawford and Colleen

Kamakailan lamang, bininahagi nina Billy at Coleen ang unang endorsement shoot ng anak na si Amari.

Marami ang kinagiliwan ang mga litrato ni Amari kasama ang kaniyang ama na si Billy dahil sobrang cute nito sa mga litrato at sa isang litrato, makikita na buhat-buhat ni Billy ang anak at ang ilong nito ay natamaan ng siko ng anak.

Courtesy Photo: Billy Crawford and Colleen

Napaka cute nga naman ng kuha ng mag-ama at marami ang natuwa.

Ayon pa nga kay billy, ang kaniyang anak daw ay baka maging magaling na atleta sa hinaharap at sumang ayon din dito ang mga netizens.