ESTUDYANTENG MALI-MALI ANG INGLES NOON, NAKAPAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE

ESTUDYANTENG MALI-MALI ANG INGLES NOON, NAKAPAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE

Hindi natin mapagkakaila na kapag ang isang tao ay magaling mag salita ng ingles, tingin sa kaniya ng lahat ay matalino na.

Kapag ikaw naman ay hindi marunong o mali-mali ang ingles, ikaw ay tatawanan ng ibang tao at sasabihang bobo.

Ang ingles kasi ay isa sa mga naging basehan ng ibang tao upang malaman kung ito ay matalino, subalit sa totoo lang, hindi ito totoo dahil hindi lahat na magaling mag ingles ay matalino, tulad ng hindi lahat ng maganda ay may magandang kalooban.

Ibinahagi kamakailan ng isang negosyante na si Mimi ang kaniyang mga dinanas noong siya ay nag-aaral pa.

Ayon sa kaniya, mali-mali o barok daw siya magsalita ng ingles. Siya ay mayroong dyslexia isang learning disorder kung saan ang isang bata o tao ay nahihirapan magbasa.

Inamin ni Mimi na siya ay nahihiya noon magkamali dahil maraming mapanghusgang tao.


Courtesy: Noypi Ako

Ganon paman, kahit ganito ang dinanas niya, hindi parin siya sumuko. Siya ay pumunta ng Japan at doon daw nag bago ang lahat.

Doon daw kasi kahit na mali-mali ang ingles niya, hindi siya tinatawanan o hinuhusgaan ng ibang tao at dahil dun, nawala ang kaniyang hiya at naging confident siya na mag salita ng ingles.

“My intelligence is not measured by how good I am in speaking and writing in English or any language for that matter…” – Mimi


Courtesy: Kamila’s 4am Art. https://web.facebook.com/mimi.kamilas4amart/posts/3932434963472381

Maraming humanga sa kay Mimi at marami din ang naging inspirasyong ang kwento niya dahil kahit na hindi siya magaling sa wikang ingles, siya ay nagtapos bilang Magna Cum Luade at sa ngayon ay may maganda ng buhay.

Hindi nga naman talaga basehan ang ingles sa kakayahan ng isang tao, baka hindi nga siya magaling sa ingles, magaling naman siya sa ibang bagay.

Kaya, huwag nating husgaan ang mga hindi maganda mag salita ng ingles at kung ikaw naman ay hindi marunong sa wikang ingles, huwag mahiya dahil hindi ito basehan kung ano ka bilang isang tao.