SCOTTIE THOMPSON NAGPASAKAL PERO HINDI SA LONGTIME GIRLFRIEND

SCOTTIE THOMPSON NAGPASAKAL PERO HINDI SA LONGTIME GIRLFRIEND

Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa sports lalo na sa basketball. Lahat na balita patungkol sa laro hanggang sa mga manlalaro nito ay alam ng mga Pinoy.

Si Earl Scottie Carreon Thompson o mas kilala bilang Scottie Carreon ay isang sikat nga basketball player mula sa Ginerbra San Miguel.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa husay nitong maglaro at si Scottie ay hinangaan din noon dahil ito ay mayroong kasintahan at nagtagal sila ng walong taon.

Courtesy: Scottie Thompson

Marami ang natuwa sa relasyon nina Scottie at Pau Fajardo at noong January 1, 2021, si Scottie ay nagpropose sa nobya.

Marami ang excited sa kasal ng dalawa, subalit lumabas ang balita noong Abril na nag hiwalay na sina Scottie at Pau. Marami ang netizen ang nalungkot sa balita at nanghinayang sa kanilang relasyon.

Makalipas ang ilang buwan, lumabas ang balita na si Scottie ay kinasal na daw ngunit hindi sa ex-girlfriend nito na si Pau Fajardo.

Ang basketball player ay kinasal sa kay Jinky Serrano, isang flight attendant at nagmamay-ari ng mga beauty clinic sa Pampanga.

Courtesy: Scottie Thompson

Noong lumabas ang balita, maraming netizen ang nagulat dahil halos dalawang buwan palang naghiwalay sina Scottie at Pau, pero ang basketball player ay kinasal na agad.

Marami ang nasaktan at nabahala sa mararamdaman ni Pau at sa kasalukuyan, naka deactive ang mga social media accounts nni Pau kaya walang ibinigay na comment ito.

Courtesy: Scottie Thompson

Nag-viral agad ang issue tungkol sa kanila ni Scottie at marami din itong mga memes. Marami ang nadismaya pero may mga tao din na nagtanggol kay Thompson.