ABOGADO, B1NAYARAN NG ALIMANGO

ABOGADO, B1NAYARAN NG ALIMANGO

Ang abogasya ay isa sa pinakamahirap na kurso at ang kanilang bar exam ay napakahirap din at kaunti lamang ang pumap@sa dito.

Alam natin na minsan, ang bayad sa mga Abogado ay napakamahal dahil hindi naman kasi ganon ka dali ang trabaho nila at delikad0 pa.

Minsan isang punta mo lang sa pribadong abogado, kailangan mong gumasto dahil alam naman natin na ginagawa ng ating mga abogado ang lahat upang matulongan tayo sa ating mga leg@l problems.

Sa isang post na nag viral kamakailan, ibinahagi ni Atty. Noel Allen Bose ang kaniyang karanasan.

Ayon sa post ni Atty. Siya daw ay binayaran ng alimango imbis na pera ng kaniyang kliyente dahil ito ay walang pambayad sa kaniya pagkatapos ng hearing.

“Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sa inyo..? pahayag ng Kliyente ni Atty.

Malugod na tinanggap ni Atty. Ang bayad na alimango ng kliyente nito at labis labis daw na nag pasalamat ito sa kaniya.


Courtesy: Atty. Noel Allen Bose

“Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado. Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino…” pahayag ni Atty. Bose sa kaniyang post sa social media.

Minsan kahit isang maliit na tulong na ating ibibigay sa ating kapwa ay mayroon ng malaking epekto sa buhay nito paano pa kaya kapag ang tulong na iyong ibinigay ay tulong tulad na binigay ni Atty. Bose? Hindi lahat ay tulad ni Attorney, na tumutulong sa kapwa na hindi nagnanais na bayaran ng malaking salapi. Minsan ang simpleng salamat ay sapat na upang sila ay patuloy na magbigay tulong at sumaya.

Courtesy: Atty. Noel Allen Bose