BAKIT NGA BA NAPAKAMAHAL NG BRAND NA LOUIS VUITTON

BAKIT NGA BA NAPAKAMAHAL NG BRAND NA LOUIS VUITTON

Marami sa atin ang nais magkaroon ng gamit na matibay at maganda. Marami rin ang nagnanais na magkaroon ng kahit isang designer bag o wallet o sapatos.

Subalit, ang mga ganitong klaseng gamit ay napakamahal tulad na ng isang sikat na designer brand na Luis Vuitton.

Ang Louis Vuitton ay nagmula sa Paris, France. Ito ay isa sa mga pinakamahal na brand sa buong mundo.

Ang kwento ng Louis Vuitton ay nagsimula noong 1854 at hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan ni Luis Vuitton bago siya magbukas ng sariling workshop sa 4 Rue Neuve-des-Capucines.

Makalipas ang halos 167 na taon, ang brand na Luis Vuitton ay kilala na hindi lamang sa france, ngunit sa buong mundo.


Courtesy: travel France Online

Ang brand na luis Vuitton ay isa sa may pinakamaganda at matibay na binebentang mga gamit mula sa bag, wallet, hanggang sapatos.

Halos lahat nga siguro ay nanaisin nga na magkaroon kahit isang produkto lamang mula sa brand na ito, subalit bakit nga ba napakamahal ng mga binenta nito?

Ayon sa CNBC TV naging mahal daw ang mga produkto ng Louis Vuitton dahil ito ay mayroong HIGH MANUFACTURING COST dahil ang mga produkto nito ay ginagawa sa France lamang; ang lahat ng produkto o koleksyon ng Louis Vuitton ay gawang kamay na gumagamit ng mamahaling materyales mula Estados Unidos; at higit sa lahat ang mga produkto ng Louis Vuitton ay Limitado lamang, minsan ang isang desinsyo ng bag ay ibinebenta lamang ng isang beses at hindi na ito mauulit kalian man.


Courtesy: insidehook.com

Maganda nga naman ang magkaroon ng mga designer bag tulad ng Luis Vuitton dahil ito ay ginawa ng mabuti ng mga manggagawa at ayon pa nga sa mga kolektor, ang presyo daw ng mga bag tulad ng LV ay hindi bumababa at ito ay isang magandang investment din.


Courtesy: insidehook.com

Mahal nga ang mga produktong ito, pero sulit na sulit naman.