SINGLE M0M, KUMIKITA NG 50K KADA ARAW DAHIL SA NEGOSYO

SINGLE M0M, KUMIKITA NG 50K KADA ARAW DAHIL SA NEGOSYO

Marami ang nais magkaron ng sariling negosyo dahil dito, ikaw ang boss at hawak mo ang iyong oras. Ang pagnenegosyo ay hindi ganon kadali, minsan may mga pagsubok tayong kinakaharap dahil dito.

Kahit gaano pa tayo kasipag at katiyaga, minsan hindi talaga maiiwasan ang mga pagsub0k at pagkalugi ng ating mga negosyo.

Isa si Miranda Nacario, isang single mom sa mga taong sumubok mag negosyo. Siya noon ay mayroong printing business at Malaki daw ang kita niya dito.

Subalit, napilitan siyang ipasara ang kaniyang negosyo dahil unti-unti daw nawala ang kaniyang mga customer at dahil dito, naghirap sina Miranda at ang kaniyang pamilya.

“May pagkakataon na wala na akong pambili ng gatas at diaper ng anak ko. Dumating sa punto na kanin at asukal nalang din ang ipinapakain ko sa kaniya para lang magkaroon ng laman ang tiyan. Maging ang ama niya ay hindi na rin makapagbigay ng sustento dahil sa hirap ng buhay sa ECQ.”, pahayag ni Miranda


Courtesy: GMA News

Labis na nahirapan si Miranda sa sinapit ng kaniyang negosyo lalo na ang kaniyang anak ay mayroong karamdaman.

Ayon kay Miranda, sa hirap ng buhay, napilitan itong lumapit sa ibang tao upang humingi ng tulong para lamang sa kaniyang mga anak.

Isang araw, nabuhayan muli si Miranda ng pag-asa at ito ay nag desisyong magbenta ng kung ano-ano 0nline at ang kaniyang capital ay 2500.

Si Miranda ay napasama din sa Store on wheels ng Quezon City, lumawak ang sakop ng kaniyang negosyo at unti-unting lumalaki na ang kita nito.


Courtesy: GMA News

Sa ngayon, siya ay kumikita na ng 50,000 kada araw. Nakapagpundar na siya ng tatlong tindahan ng manok at magyoon na siyang mga tauhan.

Ayon kay Miranda, huwag daw tayong matakot sumubok ng mga bagay-bagay dahil baka ito raw ang magiging susi sa pag ahon sa hirap.