LALAKI, BUMILI NG MURANG iPHONE ONLINE, NAGULAT SA DUMATING NA ORDER

LALAKI, BUMILI NG MURANG iPHONE ONLINE, NAGULAT SA DUMATING NA ORDER

Mahigit isang taon na ang nakalipas ng nagbago ang lahat sa ating paligid.

Bawal na ang face-to-face classes, bawal ang lumabas kapag walang face mask, at delikado din kapag tayo ay pumunta sa mga malls upang bumili ng mga pangangailangan.

Kaya naman, halos lahat ay nagsimula nang pag-aralan ang tinatawag na online shopping, kung saan hindi mo na kailangang lumabas ng bahay upang mag shopping o grocery dahil lahat ay pwede nang mabili online at ito ay ihahatid pa mismo sa iyong bahay.

Ang shopee at Lazada ay mga pinakasikat na online shopping site sa ating bansa at marami ang nawiwili dito.

Isang binata ang nahilig din sa online shopping at sa pamamagitan nito, siya ay naghanap ng cellphone sa online.

Mayroong siyang nakitang iphone na ibinebenta sa murang halaga at ito ay nainganyo na bilhin ito kahit pa may kamahalan ang shipping fee dahil ito ay napakamura daw.

Lumipas ang mga araw, may dumating daw sa kanilang bahay na order.

Nagulat ang binata dahil ang order daw ay nasa malaking kahon at hindi niya alam kung anong laman nito. Nang kaniyang buksan, siya ay labis-labis na nagulat sa nakita.

Ang laman ng malaking kahon na dumating sa kanilang bahay ay isang malaking iphone na halos kalahati na ng kaniyang katawan.

Ang na-order pala ng binata sa online a hindi cellphone, kundi isang coffee table na hugis iphone lamang. Hindi alam ng binata kung siya ay magagalit o matatawa sa kaniyang natanggap dahil ito ay hindi niya talaga inasahan.

Maraming netizen ang natuwa sa post ng binata at ito ay patunay lamang na dapat tayo ay maging mapanuri sa lahat na binibili natin online.

Dapat siguraduing mapagkakatiwalaan ang store na bibilhan at i-check ang mga reviews sa nais bilhin na produkto upang makaiwas sa mga pekeng gamit.