ISANG MASIPAG NA AMA, NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO

ISANG MASIPAG NA AMA, NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO

Hindi lahat ay mayroong masaganang buhay at minsan dahil dito, ang pangarap ng isang tao ay nauudlot hanggang sa ito ay bumuo na lamang ng pamilya.

Subalit, ganon paman, may mga ama o ina parin na hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay upang makamit ang inaasam na diploma ‘di lamang para sa sarili, ngunit para na rin sa minamahal na pamilya.

At kahit gaano man kahirap pagsabayin ang pagiging ina/ama, trabaho, at pag-aaral, hindi ito hadlang upang makamit ang matagal na inaasam.

Sa isang facebook post, ibinahagi ni Ading Salvane ang kwento ng isa sa kaniyang mga kaklase na si Tatay Jerome na pinagsasabay ang pagiging haligi ng tahan, pagtatrabaho, at pag-aaral. Ibinahagi ni Ading sa kaniyang post ang nangyari noong sila ay unang magkakilala.

Ayon sa kaniya, si Tatay Jerome daw ay humingi ng tulong sa kanilang seatwork at ito ay humingi pa ng paumanhin sa abala. Idinagdag pa ni Ading na ang itsura daw ni Tatay Jerome ay parang pagod na pagod siya at siya ay nanginginig na at baka dahil sa gutom.


Courtesy of Ading Salvane

Si tatay Jerome di umano ay napakasipag na tao. Siya ay nagtatrabaho sa umaga at nag-aaral sa gabi.

“He is a family man. He has 4 kids and he is proud to say that all of them goes to school. He works in the day and goes to school at night. When I say he works, he works real hard.

He once worked as a maintenance in the pineapple fields of del monte. Imagine the scorching heat of the sun or the cold pour of the rain yet he still managed to go to school at night.

He also work as a carpenter, a farmer, a laborer – he can be anything as long as it allows him to earn money and provide for his family.

He rented a piece of land and cultivated it all by himself in order to provide for his family. When I say all by himself, it means he’s alone in a hectare of land from 4 o’clock in the morning till 5 o’clock in the afternoon.”


Courtesy of Ading Salvane

At noong pumasok sa ating bansa ang pandemya, nangamba si tatay Jerome baka hindi ito makapagtapos dahil wala siyang cellphone at internet, pero hinikayat parin siya ng kaniyang mga kaklase na mag enroll at ayon sa kay Ading, nagtutulongan silang magkaklase upang masagotan ang module ng kanilang kaklase sa ni tatay Jerome.

Dahil sa sipag, tiyaga, at tulong ng kaniyang mga kaklase, sa wakas, si tatay Jerome ay nakapagtapos na sa kursong BS Business Administration Major in Financial Management.

Gaano man kahirap ang kaniyang pinagdaanan, siya ay hindi nawalan ng tiwala na matutupad niya ang kaniyang pangarap.