ISANG BINATA NA MAYKAPANSANAN, PATULOY NA NAGHAHANAP BUHAY

ISANG BINATA NA MAYKAPANSANAN, PATULOY NA NAGHAHANAP BUHAY

Lahat ng tao, kahit sino paman ay mayroong kakulangan sa buhay. Ito ay pwdeng material na bagay, pagmamahal, atensiyon, at ang iba, parte sa katawan.

Hindi lahat ng tao ay pinanganak na kompleto ng parte ng katawan, mayroong mga bata na pinanganak na walang kamay o ‘di kaya paa.

Tulad ng isang 21-anyos na binata na si Ryan Moralidad, siya ay pinanganak na kulang ang mga paa.

Kahit napakahirap ng kaniyang pinagdadaanan dahil wala itong paa at hindi makalakad ng maayos, siya ay patuloy parin na nag hahanap buhay para sa kaniyang pamilya.

Sa murang edad, siya ay natuto na magtrabaho, siya ay nagsasaka at nag-uuling sa kanilang lugar. Sa isang social media post, makikita na si Ryan at nagtatrabaho na parang walang kapansanan.

Agad na nag viral ang post sa social media at maraming netizens ang humanga sa kasipagan at determinasyon ni Ryan dahil hindi lahat ng tulad niya ay kayang gawin ang kaniyang ginagawa.

Mahirap man ang kaniyang buhay, si Ryan ay hindi sumusuko sa buhay, hindi rason ang pagiging maykapansanan upang siya ay sumuko o mawalan ng pag-asa sa buhay.

Minsan may mga bagay na wala sa atin, minsan ito ang nagiging rason sa ating pagkagalit sa mundo, subalit subukan nating tumingin sa buhay sa ibang aspekto.

Subukan nating gawin na ispirasyon ang kung ano ang kulang o wala sa atin upang magpatuloy sa buhay. Hindi lahat ng pagsubok ay hadlang, minsan ito pa nga ang daan.