ISANG GURO NA MUKHANG BATA, NAG VIRAL

ISANG GURO NA MUKHANG BATA, NAG VIRAL

Nakasanayan na natin na mga nasa edad 23 pataas ang mga college graduate o propesyonal. At malimit lamang na makakita ng mga batang tapos nang mag-aral sa murang edad at ito ay hindi natin nakikita madalas sa Pilipinas, kaya naman nag viral ang isang post na ang isang mukhang grade 1 ay guro pala.

Si Ian Manga ay isang 23-anyos na guro na hindi mukhang 23 taong gulang dahil siya ay malaliit at mukhang bata. Kuwento ng isang may ari ng Review Center na si Dr. Carl Balita, nagulat at nagtaka daw siya noon ng may makitang bata sa kaniyang klase na nagbabasa ng kanilang review materials para sa Licensure exam for teachers o LET. Akala ng una ni Dr. Balita ay sinama lang ng kaniyang ina si Ian, subalit hindi pala. Siya pala ay si Ian na sa ngayon ay isa ng ganap na lisensyadong guro sa elementarya.

Courtesy: Ian Manga

Ayon kay Ian, sanay na daw siya dahil palagi siyang napagkakamalang grade 1. Ibinahagi rin ni Ian na hindi madali ang kaniyang dinanas dahil siya daw ay madalas umanong pagtawanan at maliitin dahil sa kaniyang hitsura. Subalit, ito ay hindi naging rason upang hindi tuparin ni Ian ang kaniyang mga pangarap sa buhay.


Courtesy: Ian Manga

Hindi lahat sa mundong ito ay pantay-pantay. May mga mayaman, mayroon ding mahirap. May bata at mukhang bata. Lahat ay maypagkakaiba at ang kaibahan ay dapat hind imaging rason upang maliitin at pagtawanan ang isang tao. Being different is special kaya kahit pangit o maganda, mataba o payat, bata o mukhang bata, dapat lahat ay respetohin, lahat ay tratuhin ng may galang dahil hindi sa pisikal na anyo makikita ang tunay na pagkatao ng isang tao.