MAG-ASAWANG MAGSASAKA, NAPAGTAPOS ANG WALONG ANAK

MAG-ASAWANG MAGSASAKA, NAPAGTAPOS ANG WALONG ANAK

Isa sa mga pangarap ng isang magulang ang mapagtapos ng pag-aaral ang anak at hindi lahat ay mayroong maraming pera upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak, subalit kahit gaano man kahirap ang buhay, may mga magulang parin na ginagawa ang lahat mapag-aral at mapagtapos lang ang mga anak.

Kamakailan lamang, nag viral sa social media ang isang post kung saan ibinahagi ni Jovy Catajara Albite ang sakripisyo ng magulang niya upang mapag-aral silang walong magkakapatid.

Ang mga magulang ni Jovy ay sina Tatay Diosdado at Nanay Libelita Cataraja, mula sa San Remigio Cebu, sila ay hindi ganon kayaman at minsan ay kinakapos din, subalit silang dalawa ay ginawa ang lahat upang mapagtapos ang lahat ng mga anak sa kolehiyo.

Ayon kay Jovy, hindi raw madali ang kanilang buhay at sabi niya, umabot daw sila sa punto na kung saan wala na silang makain, ngunit ang kanilang mga magulang ay hindi parin sumuko sa buhay.

Ang kanilang mga magulang daw ang tumayong inspirasyon nila at ngayon, lahat ng paghihirap ng kanilang mga magulang ay masusuklian na nila.

“Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams. I saw how hard life has been for us specially during my college days…There were times when I wanted to give up but I know what I want in life and that I wanted to help my siblings too. Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up..Thanks to everyone who were there to support us during the hardest times of our life. We are blessed beyond words. Thank you is not enough for our family, relatives and friends who never get tired of helping us. It’s payback time now (dears parents)…”

Hindi madali ang magpa-aral ng mga anak lalo na sa kolehiyo, ngunit lahat ng hirap at sakripisyo ay hindi hadlang sa mg magulang upang sumuko sa buhay. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na mag-aral kaya dapat, huwag itong sayangin at dapat ang mga magulang ay bigyang pugay sa lahat ng kanilang ginawa para sa mga anak.