MAG-ASAWANG TRICYCLE DRIVER AT MANANAHI, PINATAYUAN NG MANSIYON NG KANILANG MGA ANAK

MAG-ASAWANG TRICYCLE DRIVER AT MANANAHI, PINATAYUAN NG MANSIYON NG KANILANG MGA ANAK

Ang edukasyon daw ang isa sa mga paraan upang makaahon sa hirap dahil kapag ikaw ay nakapagtapos, ikaw ay makakahanap ng magandang trabaho, ikaw ay sesweldo ng Malaki, at makakaipon.

Hindi lahat ay may kaya upang makapag-aral, hindi lahat ay kayang magtrabaho habang mag-aaral, subalit pinatunayan ng apat na magkakapatid na nag viral sa isang post na kahit mahirap ang buhay, kahit kailangan na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, dapat hindi ito maging hadlang upang isuko ang edukasyon at mga pangarap.

Sa post, ibinahagi ang kwento ng apat na magkakapatid na anak ng tricycle driver at mananahi na naging matangumpay sa buhay kahit na mahirap ang buhay.

Hindi mapagkakaila na hindi ganon kalaki ang kita ng driver at mananahi dahil kahit mahirap ang kanilang trabaho, ang bayad sa kanila ay sobrang baba o maliit parin.

Ang mga magulang ng apat na magkakapatid ay hindi kumikita ng sapat upang matustusan ang pag-aaral ng mga anak, kaya naman naisipan ng magkakapatid na subukang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral upang kahit paano ay matulongan sa gastusin ang mga magulang.

Kahit mah1rap ang kanilang ginawa, hindi sumuko ang magkakapatid, sila ay nagsumikap at hindi isinuko ang pangarap. Silang apat ay nakapagtapos at nakapasa sa kani-kanilang board exams.


Courtesy: Peso Sense

Ang panganay ay isang Electrical engineer, ang sumunod ay Civil engineer, Math teacher, at ang bunso ay isang Mechanical engineer na sa ngayon. Dahil sa sipag at tiyaga, sila ay sawakas mayroon ng magagandang trabaho at kung noon sa sala sila natutulog, ngayon sila ay may tig-iisang kwarto na dahil ang magkakapatid ay nagpatayo ng isang Malaki at komportableng bahay para sa kanilang mga magulang bilang pasasalamat na din.

Sa buhay, hindi natin sigurado ang lahat. Kung ngayon ikaw ay naghihirap, malay mo bukas ikaw ay komportable na sa buhay. Ang mundo ay umiikot, sa isang kanta nga, ang buhay daw ay parang isang gulong, umiikot. Kung ngayon ikaw ay nasa ibaba, malay mo, kapag ikaw ay nagsumikap gaya ng magkakapatid, sa susunod ikaw ay nasa itaas na. kunting tiis lamang, makakamit mo rin ang lahat na ‘yong pangarap.