ISANG LOLA, NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO

ISANG LOLA, NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO

Bata man o matanda ay pwedeng mangarap. Bata man o matanda ay puwedeng makapag-aral. Halos lahat naman siguro nais makapagtapos ng kolehiyo o ng pag-aaral dahil isa ito sa mga paraan upang mabigyan ng magandang buhay ang ating mga pamilya. At isa pa, kahit siguro ang mga may edad na, nagnanais din na bumalik sa pag-aaral. Dahil hindi lang sa love pwede ang “age doesn’t matter”, pwedeng-pwede rin ito sa pagtupad ng mga pangarap sa buhay.

Si Elena dela Rosa Satairapan, 58-anyos mula sa Catanduanes ang isa sa mga naniniwala na sa edukasyon, “age doesn’t matter” dahil kahit ito ay may limang akat at 15 na apo, pinili niya parin na bumalik sa pag-aaral.

“Bakit daw ako mag-eenrol, eh matanda na ako. Kaya ayaw niya. Pero hindi ako nagpa-pigil sa kanya. Tapos ‘yun, nalaman din niya pero wala na siyang nagawa. Tumawa na lang siya…” – Elena

Sina Elena ay hindi mayaman, sa katunayan sila ay naghihirap din at ang kanilang bahay ay nasira daw noon ng super typhoon Rolly. Subalit kahit na mahirap lamang sila, si Elena ay hindi parin sumuko sa kaniyang pangarap.

Lahat ginagawa niya upang makahanap ng pera pambayad sa eskwela. Siya ay nanghihingi pa nga daw ng tulong sa mga politico minsan at ang perang nakukuha ay hinahati niya para sa pag-aaral at sa pamilya dahil sila ay kinukulang din.

At noong dumating ang pandemya sa ating bansa kung saan kailangan na mag online class o module, si Elena ay labis na nahirapan dahil wala itong smart phone, kaya naman ang ginawa niya, siya ay nag module.

Kada linggo siya ay pumupunta sa kanilang eskwelahan upang kumuha at pumasa ng module at makalipas ang ilang buwan na paghihirap, na kamit na nga ni Elena ang kaniyang minimithi.

Siya ay nakapagtapos na sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management sa Catanduanes College.

Kahit na matanda na, kahit ka edad na ng anak o apo niya ang kaniyang mga kaklase, si Elena at hindi nawalang ng pag-asa upang makapagtapos at dahil sa tiyaga, nakapagtapos din siya. Lahat ng bagay sa buhay na nais natin ay darating din, hindi man sa ngayon, pero darating ito tulad sa nangyari kay Elena.