L0LO NANGANGALAKAL UPANG MAY PAMBILI NG GATAS NG APO

L0LO NANGANGALAKAL UPANG MAY PAMBILI NG GATAS NG APO

Grabe kung mag mahal ang mga magulang, ngunit sabi nga nila, mas grabe mag mahal ang mga lolo’t lola sa kanilang mga apo.

Totoo nga naman ito, dahill ang ating mga lolo’t lola ang nagtatanggol sa atin kapag tayo ay pinapagalitan ng ating mga magulang, sa kanila tayo humihingi ng mga bagay na ayaw ibigay sa atin ng ating mga magulang, sila ang mga magulang na nais tulongan ang kanilang mga anak sa pagpapalaki ng mga anak nito. Ang mga lolo’t lola ay isa sa mga pinaka hindi makasariling tao sa mundo.

Noong mga nakaraang linggo, may isang post na nag viral sa social media na nag ani ng samu’t samung reaksyon mula sa mga netizens.

Sa post ni Harvey Villanueve, isinalaysay niya kung paano niya nakita si Lol0 Patricio at kung paano niya ito binigyan ng kaunting tulong. Ayon sa post, si Lolo Patricio ay 78-anyos na ngunit siya ay matiyang nagtatrabaho para sa kaniyang pamilya.

Si L0lo Patricio ay namimili ng kalakal sa mga bahay-bahay o minsan nag pupulot upang maibenta ito at kumita kahit kaunti lamang. Subalit, hindi naman sa lahat ng panahon ay maraming kalakal, kaya minsan ang matanda ay nahihirapan sa kaniyang trabaho.

Nakita ni Harvey si Lolo Patricio sa labas ng isang convenient store na para bang pagod at walang pahinga.

Nilapitan ni Harvey si Lolo Patricio at napagalaman nito na siya pala ay maghapong umiikot sa kanilang lugar upang mangalakal para mabilhan ng gatas ang kaniyang apo, subalit hindi sapat ang kinitang pera ni Lolo Patricio.

Naantig ang damdamin ni Harvey at binigyan niya si Lolo Patricio ng kaunting tulong at ang kaunting tulong na iyon ay labis-labis na saya ang dulot kay Lolo.

Ang ating mga lolo at lola ay mga magulang din at hindi nila nais na mahirapan ang kanilang mga anak at lalo na ang kanilang mga apo, kaya naman lahat kaya nilang gawin para sa mga minamahal sa buhay tulad ni Lolo Patricio.