DIVER LOLA, NAG VIRAL

DIVER LOLA, NAG VIRAL

Hindi edad ang basehan upang magawa ang mga bagay-bagay sa mundo.

Hindi rin edad ang basehan sa lakas o tindig ng isang tao.

Hindi dahil ang isang tao ay matanda na, hindi niya na kayang gawin ang mga ginagawa ng mas bata sa kaniya, tulad ng isang 88-anyos na lola sa Ormoc City na game na game pa rin sap ag da-dive sa dagat.


Coutesy: GMA-NEWS. https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/566889/88-anyos-na-lola-game-sa-diving/video/

Sa isang video na pinost sa social media, makikitang ang isang lola na nag hahanda upang mag dive sa dagat at maririnig sa background ang mga batang nag che-cheer sa kaniya na di umano mga apo pala niya.


Coutesy: GMA-NEWS. https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/566889/88-anyos-na-lola-game-sa-diving/video/

Maya-maya pa, ang lola ay tumalon na sa dagat at nagulat ang mga apo nito sa kanilang nakita.

Ang lola-diver ay si Lola Remedios at ayon sa kaniya, bata pa lamang siya ay marunong na itong lumangoy at mag dive dahil sila daw noon ay nakatira sa tabing dagat at dagdag pa ni lola, kahit daw siya ay matanda na, gumagawa parin siya ng mga Gawaing bahay at tuwing umaga siya daw ay umiinom ng tuba.


Courtesy: Maricris Angelio

Maraming netizens ang humanga sa kay Lola dahil kahit siya ay 88-anyos na, siya ay malakas at aktibo parin.

Hindi naman talaga kasi lahat ay tulad ni Lola Remedios na sa ganoong edad ay kaya pang mag dive sa dagat at lumangoy.

Sa videong ibinahagi ng apo ni Lola sa social media, mapapatunayan na age does not matter talaga hindi lang sap ag-ibig, edukasyon, ngunit pati na rin sa diving.