MGA BATANG MAY CLEFT PALATE, NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MA 0PERAHAN

MGA BATANG MAY CLEFT PALATE, NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MA 0PERAHAN

Hindi lahat ng batang pinapanganak araw-araw ay normal, 2 o 3 % ng mga bata na pinapanganak ay mayroong kakulangan o mayroong abnormality sa kanilang katawan.

Ito minsan ay sanhi ng genes ng mga magulang o di kaya sa lifestyle ng ina habang nagbubuntis sa anak.

May mga batang pinapanganak na mayroong cleft palate, isang condisyon kung saan ang itaas ng bibig (palate) ay hindi dumikit ng maayos noong pinagbubuntis pa lamang ang bata.

Minsan dahil sa cleft palate, ang bata ay nahihirapang kumain o uminon, at good news, ang ganitong kondisyon ay hindi pang habang buhay dahil kapag ang bata ay may cleft palate, maari itong operahan upang ayusin ito.

Hindi ganon ka mura ang operasyon sa ganitong kondisyon, maraming bata ang lumalaki na hindi na ooperahan subalit, mabuti na lamang may mga organisasyon at doctor na handang tumulong sa mga batang may cleft palate at isa na dito ang Smile Train isang international Childrens’s charity na tumutulong sa mga batang may cleft palate.


Courtesy: Philippine information agency

Ang repair surgery at comprehensive cleft care para sa mga bata ay libreng binibigay ng Smile train at sa ngayon, marami na silang mga batang binigyan ng pagkakataong ma operahan.

Kamakailan lamang, nag viral sa facebook ang mga larawan ng mga batang pinanganak na may cleft palate na na operahan at naayos na ang cleft palate.

Maraming netizens ay naantig ang puso dahil sa binigay na pag-asa ng charity at magagaling na Doktor.

Sa magulong mundo na kinatatayuan natin, meron paring mga tao na handang tumulong sa nangangailangan, sila ay maituturing din na bayani dahil sila ay nagbibigay pag-asa sa mga batang mayroong cleft lip o palate.