ALAGANG ASO, BINANTAYAN ANG L1B1NGAN NG AM0

ALAGANG ASO, BINANTAYAN ANG L1B1NGAN NG AM0

Ang mga aso ay isa sa mga pinakamagandang alagaan na hayop at sila ay itinuturing na man’s best friend.

Ang mga aso ay parte na ng pamilya, sila ay isa din sa nagbibigay saya sa kanilang mga amo, sila din ang mga alagang hindi ka iiwan saan Kaman mag punta, kahit na sa kamatayan pa.

Noong mga nakaraang buwan, isang post ang ibinahagi ni Blanche Jotie na kung saan makikita ang isang aso na nasa tabi ng puntod na tila pa parang bago palamang.

Ang aso ay tahimk na nakaupo sa tabi ng kaniyang amo na para bang ito ay sinasamahan o binabantayan niya.

Mahirap mawalan ng alagang aso dahil parte na sila ng pamilya natin at ganon din sa mga aso, nahihirapan din sila kapag ang kanilang amo na ang nawala dahil wala na silang kaibigan at wala na ang mundo nila dahil ang amo nila ang mundo o buhay nila.

“If you’re a dog owner, you probably already know just how awesome dogs are. They fill your life with love, loyalty, fur, and plenty of reasons to smile.”  – Blanche


Courtesy: Blanche Jotie

Maraming netizens ang nalungkot sa nakita nilang post dahil sa nangyari sa aso.

Makikita naman talaga ang labis na pangungulila nito sa kaniyang amo at makikita rin na tapat at mahal na mahal nito ang kaniyang amo na hanggang sa kamatayan, hindi niya ito iniwan.

Ayon din sa isang source, nag-alala daw si Blanche sa maaring mangyari sa aso kaya naman kinausap nito ang pamilya ng namayapang amo ng aso na ampunin at alagaan ang aso.


Courtesy: Blanche Jotie

Akala ng iba ang aso ay walang pagkiramdan o intelektual na talino, subalit ang mga aso ay labis na mapagmahal sa kanilang mga amo.

Sila ay tunay na kaibigan na hindi basta-batsang nag-iiwan. Sila ay parating nandiyan sa ating tabi, hanggang sa huling sandal ng ating buhay.