HALOS PHP 50,000 NI LOLO, INANAY

HALOS PHP 50,000 NI LOLO, INANAY

Ang pera ay isa sa mga bagay na importante para sa lahat dahil kung wala kang pera, paano ka na lamang mabubuhay sa mahal ng mga gastusin?

At sa ngayon, maraming tao ang nahihirapan na mag ipon dahil sa hirap ng buhay dulot ng pandemya, subalit may isang Lolo na kahit hindi ganon kalaki ang sahod, siya ay nakapag-ipon parin.

Si Adonis Buemia, 70-anyos ay nag de-deliver ng yelo at ito raw ang kaniyang pangunahing ikinabubuhay sa loob ng alos 30 taon.

Sa pag de-deliver ng yelo, siya ay kumikita ng P300 sa isang araw at ang 100 ay itinatabi niya at dahil sa kaniyang pagtitipid, siya ay nakaipon pambili ng maliit na bahay, ang ikalawang palapag ay pinapaupaan niya, samantalang ang ibaba naman ang nagsisilbing tahanan nila ng kaniyang anak.

Courtesy: GMA public affairs

Si Lolo ay nakabili rin ng motorsiklo na nagagamit niya sa pang araw-araw dahil kahit na ito ay may edad na, kailangan parin nitong kumayod dahil siya na lamang ang bumubuhay sa anak na maysak1t.

Ang kaniyang itinatabing isang daan kada araw ay nilalagay niya sa garapon at tinatago sa kaniyang kabinet.

Isang araw, natuklasan ni Lolo Adonis na may mga anay sa kaniyang sapatosan at nang sundan, napagalaman niya na pati ang kaniyang mga pera na inipon ng ilang taon.

Ang ipon na 38 piraso na tig-iisang libo,22 na piraso na tig-lilimang daan, at dalawang daan ay laat inanay.

Courtesy: GMA public affairs

Labis na nanghinayang si Lolo Adonis kaya naman siya ay nanghingi ng tulong sa programang KMJS at ang programa ay idinulog ang problema sa banko sentral ng Pilipinas.

At ayon sa Bank0 Sentral, kung ang size ng pera ay 60%; kung mayroong dalawang facsimile signatures; kung may naiwan pang maliit na perma ng Governor ng Banko Sentral; at kung intact pa ang window secur1ty thread pwedeng pang mapalitan ang pera.

At ayon pa sa Banko sentral, kung ang pera ay kinain ng anay, maari parin daw itong mapalitan at sa lagay ng pera ni Lolo Adonis, pwede pa itong mapalitan.

Courtesy: GMA public affairs

Labis na natuwa sa balita si Lolo Adonis dahil ang pera na iyon ay pinagpaguran niya. Kaya naman, ang kwentong ito ay dapat magsilbi araw sa atin na kung tayo ay mag-iipon siguraduhing nasa maayos at safe ito upang hindi na magkaroon ng problema sa hinaharap.