Naging Cum Laude dahil sa Pangingisda

Naging Cum Laude dahil sa Pangingisda

Minsan nangarap na maging sundalo si Ramil Montalbo ng Ilo-Ilo City. Subalit sa kahirapan ng buhay ay hindi nya natupad ang pangarap. Isa talaga ang kahirapan kong bakit napakaraming Pilipino ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. 

Kagaya na lamang ni Mang Ramil Montalbo na isang mangingisda. Nagsumikap sya hindi sa sarili kundi para sa mga anak niya. Napagtapos nya ang mga ito ng kolehiyo bilang Cum Laude. 

Naging viral nga sa social media ang kwentong ito dahil sa pambihirang dedikasyon at pagsusumikap ng isang ama upang maibigay sa mga anak ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Hinangaan ng marami si Ramil at nakapagbigay ng inspirasyon sa mga tao. Pambihira at hindi naging madali ang pinagdaan ni Ramil upang makamit ang tagumpay ng mga anak. 

Courtesy photo: pixilated.net

Isa na namang patunay na kapag tayo ay kumilos ay hindi imposible na makamit ang ating minimithi. Isa din na patunay na hindi hadlang ang pagiging mahirap upang makapagtapos ng pag-aaral. 

Ayun pa kay Mang Ramil na dumating pa sa punto na nagkaroon ng sagutan sila ng kanyang ama dahil sa hindi nito kayang ibigay ang edukasyon sa kanya. Kaya ipinangako sa sarili ni Mang Ramil na hindi magiging katulad ang mga anak sa mga naranasan nya. Buong loob at determinasyon ang ginawa ni Mang Ramil para sa mga anak. 

Courtesy photo: pixilated.net

Higit ano pa man ay masasabi na isang ulirang ama si Mang Ramil. At ang lahat ng hirap at pagod nya ay nasuklian naman ito ng napakalaking tagumpay. Sa ipinakitang pagsusumikap din ng mga anak niya ay tiyak nito ang napakagandang kinabukasan para sa mga ito. 

Courtesy photo: pixilated.net

Isang napakagandang halimbawa ng pagtataguyod ng isang pamilya ang ginawa ni Mang Ramil. Sana maging batayan ng iba pang mga kabataan pati na rin ng ibang mga magulang ang kwento ng buhay ng pamilya Montalbo.