HIPON GIRL HERLENE: “BACK TO ZERO KAMI”

HIPON GIRL HERLENE: “BACK TO ZERO KAMI”

Si Nicole Budol o Herlene “Hipon Girl” Budol, 21-anyos, youtuber at artista ay isa sa mga kinaaliwan noon sa social media matapos siyang sumali sa Willie of Fortune. Maraming natuwa kay Herlene at ang kaniyang video ay nag viral na nagkaroon ng 35 million views. Si Herlene ay kinuha na co-host sa Wowowin, subalit nang magkapandemya, isa si Herlene sa mga nawalan ng trabaho.

Si Herlene kamakailan lamang ay inimbitahan ni Toni Gonzaga bilang isang guest sa kaniyang vlog na “Toni talks”. Sa kanilang pag-uusap, binahagi ni Herlene na siya ay nagsimulang sumali sa mga beauty pagent noong siya ay 17-anyos. Si Herlene ay nag audition rin sa isang segment ng wowowin, ngunit hindi ito nanalo. Akala noon ni Herlene, yun na ang kataposan pero hindi pala dahil siya ay inimbitahan bilang guest host sa wowowin at ito ay nagtagal ng dalawang taon.


Courtesy: Herlene Budol

“Yung mga tao daw ang dahilan bakit napasok ako sa Wowowin. Pinabalik ako mga two days. Kasi 35 million views yun tapos rini-request ng mga tao. Sabi lang guest lang. Araw araw ako na kinakabahan. Kaya nga ako naiiyak palagi kasi kapag sasabihin sa akin ni kuya Wil na, ‘O bukas pahinga ka muna…’ iiyak na ako,” 

Si Herlen ay ang breadwinner ng kanilang pamilya. Siya ay namumuhay kasama ang kaniyang Lolo’t lola. At ng magkaroon ng pandemya, inamin ni Herlene na naubos ang kaniyang ipon. Ayon sa kaniya ang ipon niya raw ay 100,000 pesos, subalit lahat ng ito ay naubos dahil siya lahat sa kanilang bahay ay gumagastos.

“Buti nga nag-ipon ako eh kundi wala, patay na kami ng pamilya ko dahil sa pandemic na ‘to. Kasi hindi alam ng lolo at lola ko na nag-iipon ako tapos. Gate pa nga lang napapagawa ko sa bahay namin. Dati kasi wala kami nun. Meron naman maliit pero hindi kasya yung tricycle ng tatay ko. Tapos ngayon kasya na. Hindi ko nga napagawa yung bubong. Siyempre buong angkan ko sa akin tapos talagang walang wala talaga. Umiiyak ako araw araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Ayoko na magpakita sa pamilya ko. Nahihiya ako. Back to zero kami. Walang wala na talaga kahit ngayon, walang wala na akong pinagkukunan ng pera talaga…”


Courtesy: Herlene Budol/Toni Gonzaga youtube channel

Hindi inakala ni Herlene na sisikat siya, pero ayon sa kaniya wala nga daw talagang permanente sa buhay.

“Hindi ko nga akalain na mapupunta ako sa TV eh. Gusto ko naman mag-artista pero wala namang kumukuha sa akin. Totoo yung sinasabi na hindi habang buhay nasa TV ka. Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo wala na kagad. Ang hirap. Ang hirap din umaasa. Naging kampante rin kasi ako na uy baka may kumuha pa sa aking iba kapag natanggal ako dito. Zero totally. Kahit cellphone ko bigay lang eh,”

Courtesy: Herlene Budol/Toni Gonzaga youtube channel

Lahat nga ng bagay sa mundo ay walang kasiguraduhan. Minsan tayo ay nasa itaas, minsan hindi. At dapat hindi rin tayo maging kampante sa kung anong meron tayo ngayon, tulad ng sabi ni Herlene.