IDOL RAFFY, TINULONGAN ANG MAG-AMANG NAGSASAKA NG WALANG KALABAW

IDOL RAFFY, TINULONGAN ANG MAG-AMANG NAGSASAKA NG WALANG KALABAW

Ang pagsasaka ay hindi biro na Gawain. Madilim palang ang mga magsasaka ay nasa sakahan na, nagtatrabaho at kung sila ay umiwi ay madilim na rin.

Hindi mapagkakaila ang hirap ng mga magsasaka, subalit kahit ang kanilang trabaho ay isa sa pinakamahirap, ang kanilang kinikita ay napakaliit parin at minsan hindi na ito sapat upang pambili ng mga gamit o makinarya para sa palayan o kaya kalabaw upang tumulong sa pag-aararo.

Isa si Ismael Malabat sa mga magsasakang grabe kung magtrabaho, ngunit kakaunti lamang ang kinikita.

Ang kita niya ay hindi na sapat upang pambili ng mga kagamitan sa kaniyang bukid kaya naman, upang makapagtanin parin, siya kasama ang kaniyang anak ay mano-manong inaararo ang kanilang bukid na walang ni ano mang makina, traktura, o kalabaw man lang.


Courtesy: Raffy Tulfo in Action

Itinampok ang kwento ni Ismael sa programa ni Raffy Tulfo na “w@nted sa radio”.

Labis na humanga si Raffy kay Ismael dahil sa sipag nito, nakita rin ni Tulfo na ang kanilang bahay ay sira-sira na kaya naman nagdisesyon si Tulfo na bigyan ng kaunting tulong si Ismael. Hinandugan niya ito ng tulong pinansyal na 100,000 pesos upang mayroon ng pambili ng kalabaw si Ismael at para na rin mabili ang mga kailangan nila sa kanilang bahay.


Courtesy: Raffy Tulfo in Action

Ang kwento na ito ay isa lamang na patunay na kahit mayroong kakulangan sa kagamitan, ang mga Pilipino ay likas talaga na malikhain at masipag.




Courtesy: Raffy Tulfo in Action

Ipinakita rin ni Ismael na lahat ay kayang gawin ng isang padre de pamilya para lamang maymapakain sa pamilya.

Palay nga ang kanilang tanim, mahal nga ang benta ng bigas, pero ang mga magsasakang naghirap ng ilang buwan para sa kanin na inihahain natin sa hapag kainan ay ang mga kinakapos at naghihirap parin.