Joel Cruz umabot sa 52 mi llion ang ginastos para magkaroon ng anak

Joel Cruz umabot sa 52 mi llion ang ginastos para magkaroon ng anak

“A proud father of 8 children! Single father, g ay, happy, responsible and very blessed.” – Joel Cruz

Kilala si Joel Cruz bilang Lord of Scents dahil sa kanyang matagumpay na negosyo ang aficionado.

Multi-millionaire na nga na maituturing si Cruz. At dahil diyan ay hindi niya alintana ang 52 mi llion pesos para lang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Isang medikal na pamamaraan upang magkaanak ang isang tao na walang kapares. Ngunit iligal pa ito sa ating bansa kaya sa Russia sumailalim sa proseso dahil legal na ito sa kanila. 

Credit Photo:GMA Network


Nagka-interest si Joel na magkaanak noong nagkaroon na ng anak ang kanyang kaibigan na si Ogie Diaz at hinikayat siya nito sa surrogacy.

Sa unang subok ay agad nagkaroon ng kambal si Joel na pinangalanan niyang Princess at Prince nasa 12 m1llion ang gastos.

Sa ikalawang proseso ay kambal na naman parehong lalaki na sina Harry at Harvey nasa 11 m1llion naman ito. Dahil sa kasiyahan ay muling sumubok pa si Joel sa pangatlong pagkakataon na 11 million ang gastos at kambal muli babae at lalaki na sina Charlotte at Charles. Hanggang sa umabot pa sa pang apat at pang limang surrogacy na solo babies naman na sina Zaid at Ziv na umabot sa 18 million ang nagastos.


Credit Photo:joelcruzaficionado/instagram


Hindi naman  nilihim ni Joel sa walong anak nito ang tungkol sa kanilang pinanggalingan at nagkaroon na ng ideya ang mga ito. At sa tamang panahon ay handa naman daw ang lord of scents na ipaliwanag sa mga anak niya ang prosesong pinagdaanan nila.

Credit Photo:joelcruzaficionado/instagram

Pinatunayan niya na wala sa kasarian ang pagiging ama. At sa tulong ng kanyang negosyo ay nakamit niya ang pangarap na maging ama at magkaroon ng anak. Kahit ito pa man ay sa pamamagitan ng surrogacy.