Jake Cuenca nasangkot sa road incident, PNP Chief Eleazar hinam0n ang aktor na harapin ang insidente

Jake Cuenca nasangkot sa road incident, PNP Chief Eleazar hinam0n ang aktor na harapin ang insidente

Iba’t-ibang reaksyon ngayon ang netizen sa kong ano ba talaga ang tunay na naangyari sa kinasangkotan na insidente ng aktor na ai Jake Cuenca. 


Oktubre 9, 2021 bandang 9pm ay hinabol diumano ng Mandaluyong pulis ang isang SUV na nakabangga daw ng patrol car. Subalit imbes na huminto ay matulin pa na nagpatakbo ng sasakyan ang nasangkot.

May ginanap na buy bust operation ang mga pulis ng mangyari ang insidente.

Umabot pa sila sa Pasig kaya upang mapahinto ang sasakyan ay pinagbabaril nila ito at natamaan ang gulong. Napag alaman nila na ang aktor na si Jake Cuenca pala ang nagmamaneho ng SUV. Hinalughog pa daw ng dalawang beses ang loob ng sasakyan ng aktor. 

Credit Photo:imdb.com

Ngunit sa panayam ng Tv Patrol kay Jake ay isinalaysay dito ang pangyayari. Ayon sa aktor ay hinarang daw siya ng unmarked vehicle at mga armadong sibilyan. Kaya nagpaharorot ng sasakyan ang aktor sa takot sa mga armado. Hanggang sa pinagbabaril na lang daw siya ng mga ito.

Doon lang daw nakampante si Jake ng makakita siya ng mga uniform police at nung una daw ay akala niya na ang hinahabol ng mga pulis ay ang mga armado.

CREDIT PHOTO:ABSCBN NEWS

Dagdag pa, ay multiple gunshots ang natamo ng SUV, may tama sa gulong at malapit sa tangke ng gasolina.

Pinabulaanan din ni Jake na nakabangga siya dahil wala naman daw ibang tama ang sasakyan niya kundi ang mga tama lang ng baril. 

Credit Photo:sunstar.com.ph

Kasong disobedience to a person in authority at reckless imprudence ang isinampa kay Jake. Hinamon naman siya ni PNP Chief Guillermo Eleazar na humarap sa mga kaso nito.