Cross Sea o Square Waves delikado kaya dapat layuan

Cross Sea o Square Waves delikado kaya dapat layuan

Tunay nga na nakakamangha ang gawa ng kalikasan. At isa sa mga paboritong puntahan ng mga tao ay ang karagatan. Marami din ang nag-eenjoy sa malalaking alon lalo na ang mga surfer. Pero may isang uri pala ng alon na dapat natin iwasan. 


Ito ay ang cross sea o kilala din sa tawag na square waves. Ang cross sea ay ang hugis parisukat na mga alon. Maganda itong pagmasdan at nakakamangha lalo na at bihira lamang ang nakakakita nito.

Credit Photo:pinterest.com 

Ang sanhi ng cross sea ay ang intersection ng karagatan o pagsalubong ng dalawang magkasalungat na direksyon ng dalawang magkaibang karagatan.

Nagsasalpukan ang mga alon sa magkaibang direksyon.

Nagiging parisukat ang hugis ng alon at umaabot pa ito sa dalampasigan. Ito rin ay nakakalikha din ng riptides kong saan malakas ang agos sa tubig at mahihirapan ka kapag natangay nga nito at maari mo itong ikalunod. 

Credit Photo:worldatlas.com

Ipinagbabawal ng awtoridad ang paglapit sa square waves dahil kapag ikaw ay naabutan nito ay tatangayin ka sa mas malalim na bahagi ng karagatan. Maari din sanhi ng square waves ang namumuong bagyo sa lugar. Sa U. S. ay halos 1000 ang nasasagip ng coast guard at lagpas 100 ang nababawian ng buhay dahil sa uri ng alon na ito. 

Credit Photo:wattolaugh.com

Sa Pilipinas madalas magkaroon ng ganitong alon sa Visayas at Mindanao dahil dito madalas nagkakaroon ng bagyo. Ang square waves ay nawawala rin naman ng ilang oras.

At kadalasan kong gaano ito ka bilis nabuo ay ganun din ito ka bilis nawawala. Kahit ikaw pa ay eksperto sa paglangoy ay mas maiging huwag nang sumubok lumangoy kapag may ganitong alon na. Dahil malaking posibilidad na malunod ka. Ito rin ang isa sa dahilan kong bakit nalulunod kahit malalaking barko. Kaya dapat natin iwasan ang square waves.