Beteranong aktor na si John Regala muling nangangailangan ng suporta

Beteranong aktor na si John Regala muling nangangailangan ng suporta

Matatandaan noong nakaraang taon ay nakita na lamang ang beteranong aktor na si John Regala na lubos ang pagpayat at palaboy-laboy sa kalye.

Humingi siya noon ng tulong sa kapwa artista para sa kanyang karamdaman na liver cirrhosis. Natulungan naman siya at naospital sa National Kidney Institute. 

Noong Agosto 2021, ay napanood ang aktor sa tiktok na nagpo-promote ng kanyang pelikulang “Hoyka!”. Isinilang ang aktor noong May 28, 1965.

Credit Photo:abs.cbn.com

John Paul Guido Boucher Scherrer ang tunay na pangalan na mas kilala bilang John Regala. Sumikat at nakilala siya bilang antagonist sa pelikulang pilipino at mga teleserye.

Lalo na noong dekada ’90. Isa siya sa mga tinaguriang bad boy kahanay nina Robin Padilla at sa yumaong si Ace Vergel. Isa din siya sa mga artista na nalulong sa droga. Dumaan sa rehabilitation.

At dahil dito ay naging christian minister. Naging environmentalist din ang aktor. 

Credit Photo:pep.ph


Ngunit kamakailan lang ay muling naging aktibo ang sakit nito at muling naospital. Kitang-kita ang malaking pagbabago sa hitsura ng aktor. Sa edad na 56 ay dumaranas na ito ng malubhang liver cirrhosis. Humihingi ulit ng tulong ang aktor para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan sa ospital.

Nag-organisa naman ng crowd funding ang kapwa artista na umaasa na mapagaling ang aktor sa karamdaman. 

Isa lamang ang aktor na si John Regala sa mga dating sikat na artista na tila naghihirap na sa ngayon. May ibang nagtatanong kong nasaan ang mga kinita nila noong kasagsagan ng kanilang kasikatan.

Gayunpaman, hindi natin dapat husgahan ang katayuan ng aktor ngayon. Bilang environmentalist ay nakakatulong siya sa kalikasan sa pagpo-produce ng water bonsai trees.

At naggagabay sa mga tao na nalulong sa droga sa pamamagitan ng pagiging christian minister nito. 

Credit Photo:mubi.com


Sana tuluyan ng gumaling sa sakit ang isang mahusay na artista.