Isang Boholano nabigyan ng U.S. Scholarship

Isang Boholano nabigyan ng U.S. Scholarship

Ang edukasyon ay lubos na kailangan upang magtagumpay ang isang tao. Kaya naman may mga kabataan na ibinubuhos ang sarili sa pag-aaral. Lalo na ang mga kabataan na laki sa hirap at nais makabawi sa mga magulang at magtagumpay sa larangan na nais niya. 

Nagtapos ng senior high school sa Holy Name University si Gelbert Crecensio ng Talibon, Bohol ang isa sa 118 na nakapasa sa may 4,900 na aplikante para sa scholarship sa bansang Estados Unidos.

Nagawaran si Gelbert ng scholarship sa Amherst College – Amherst, Massachusetts, USA. Makakatanggap siya ng 85,000 US dollar o halos 4.2 milyon pesos kada-taon at libreng tahanan para sa kanyang pag-aaral.

Kukuha siya ng undergraduate degree sa Neurosciences bilang preparasyon sa medical school sa US. Para sa kanyang pangarap na maging Neurosurgeon.

Credit Photo: riseandshinepilipinas/facebook 

Bunso siya sa pamilya at ang mga kapatid nito ay nakapagtapos na rin ng kolehiyo. Ang kanyang ama ay isang magsasaka at tricycle driver at ang ina naman nila ay nagtatrabaho ng 14-oras kada araw. Hindi naging madali ang karanasan ng pamilya. Dahil nagkabaon-baon ito sa utang upang mairaos lamang ang pamilya. Kaya naman ay nagpursige si Gelbert upang makabawi sa kanyang mga magulang pagdating ng panahon. 

Credit Photo:
Holy Name University/facebook

Kahit minsan ay hindi niya narinig ang mga magulang na nagrereklamo sa kanilang sitwasyon. Hindi rin daw pinilit ng mga magulang na isubsub ni Gelbert ang panahon sa pag-aaral. Tanging kagustuhan din daw niya na mag-aral ng mabuti upang maipakita sa mga magulang na may narating ang kanilang pagod. 

Credit Photo:amherst.edu


Isang karangalan si Gelbert ng kanyang pamilya at tiyak na magiging matagumpay ito sa pagtahak sa dayuhang bansa. Kapalit man nito ang malayo sa pamilya ngunit mapapasaan ba ay magkakasama din silang muli. Mabuhay ka Gelbert at maging mabuting ehemplo sa mga kabataan ng ating bansa.