Super Tekla napagkamalang mag nanakaw sa isang convenience store

Super Tekla napagkamalang mag nanakaw sa isang convenience store

“Lesson, ‘wag manghusga sa panlabas na anyo siguraduhin mong tama ang ginagawa mo, imbes na magalit ako, awa ang nanaig sa puso ko”. – Romeo Librada

Noong nakaraang taon ay nasangkot nga itong komedyante na si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay sa isang kontrobersyal na isyu laban sa kanyang ex-wife na sa bandang huli ay ang ex-wife pa niya ang napahiya sa buong mundo nang magharap sila sa Raffy Tulfo in Action. 

Credit Photo:Supertekla Librada/facebook


Kamakailan lang ay nagbahagi ang 39 anyos na komedyante ng  karanasan niya sa isang convinience store sa Quezon City. Ayon sa kanyang post sa kanyang facebook page ay napagkamalan diumano siyang magnana kaw. 

Credit Photo:Supertekla Librada/facebook

Nang siya ay papalabas na matapos namili sa tindahan ay hinarang siya ng babaeng store clerk at binagbintangang nag-sh0plift. Nagulat si Tekla at agad naman siya nagpaubaya para makapkapan.

Walang nakita sa kanya at tiningnan pa niya ang kanyang resibo kong tama ba ang nabili niya. Matapos nun ay binaba niya ang kanyang facemask at ng makilala siya ng store clerk ay agad itong umiyak at humingi ng sorry.

Napahiya si Tekla sa ginawa ng babae at pinagtinginan pa siya ng mga tao sa paligid. Napagsabihan naman niya ang babae at pilit itong humihingi ng paumanhin.

Source:foursquare.com

Maswerte na lang ang babae dahil pinatawad naman siya ni Tekla. Iniisip ni Tekla na may mga taong umaasa sa babaeng ito kaya na awa siya at pinatawad na lamang niya. Dahil kong sa iba iyon nangyari ay baka natanggal na ito sa trabaho. 

Isa itong leksyon sa mga padalos-dalos na desisyon. Lalo na sa pagbibintang batay sa anyo ng isang tao. Mapapanood si Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show ng GMA Network every Sunday night.

At kasama naman niya si Donita Nose sa kanilang Donekla y0utube channel.