Naging ama’t ina ang isang lalaki ng Triplets sa maagang pagpanaw ng kanyang asawa

Naging ama’t ina ang isang lalaki ng Triplets sa maagang pagpanaw ng kanyang asawa

Ibinahagi sa social media ni Joel Orbello Regal ang sakit at pangungulila sa kanyang asawa na si April Edlagan-Regal.

Noong Marso 20, 2021 ay ipinanganak ni April ang triplets ngunit kinabukasan naman ay pumanaw siya dahil sa acute respiratory failure. 

Naging viral sa social media ang paghingi ng tulong ni Joel para sa breast milk na labis na kailangan ng kanyang mga sanggol. At dahil dito ay may mga netizen na tumugon sa kanyang hiling.

Bukod sa breast milk ay may natanggap din siyang tulong pinansyal at mga materyal na bagay para sa kanyang mga anak. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Joel sa mga ito. 

Credit Photo:Joel Orbello Regal/facebook

Maagang naulila sa asawa at sa ina ang mga anak nila. Kaya naman ay labis na lungkot na lamang ang naibahagi ni Joel sa madla.

Ayon sa kanya, napakasakit isipin na mag isa na lamang siya na magpapalaki sa kanilang mga anak. Mahal na mahal daw ni April ang mga bata noong nasa sinapupunan pa lamang ito.

Nang sandali na kailangan na niya bumalik sa trabaho ay di niya napigilan na lumuha habang nag da-drive paalis ng tahanan.

Nais na lamang daw niya na makasama sa lahat ng oras ang mga sanggol. Kaagapay naman niya ang biyenan at kapatid sa pag-aalaga ng anak niya. 

Credit Photo:Joel Orbello Regal/facebook


Masaya din kahit papano si Joel dahil lumalaking malusog ang mga anak nito. Naaawa man ay humanga din ang netizens sa pagharap sa buhay ni Joel na ngayon ay wala na ang kanyang misis. 

Credit Photo:Joel Orbello Regal/facebook


Hindi nga madali ang maging ama’t ina sa mga anak lalo pa’t triplets ito. Pero wala ng mapagpipilian si Joel sa pangyayari. Kundi harapin at maging masaya sa biyayang pinagkaloob ng Maykapal. Nawalan man siya ng mahal sa buhay ay may pumalit naman na tatlo.