Bawing-bawi ang bagong kasal nang makalikom ng mahigit 600 libong piso

Bawing-bawi ang bagong kasal nang makalikom ng mahigit 600 libong piso


Ang prosperity dance ay tradisyon nating mga pilipino kong saan magsasayaw ang bagong kasal at sasabitan ng salapi ang kanilang damit bilang simbolo sa masagana at maswerteng pagsisimula sa bagong kinakasal.

Dahil paniniwala natin na dapat sa umpisa pa lang ay maayos at matiwasay na ang pamumuhay ng bagong pinares ng Diyos. 

Ito marahil ay naging literal na pangyayari kina Jay Alvin at Kastiene Milagrosa ng Tagum City, Davao del Norte.

Dahil noong Enero 22, 2021 araw ng kanilang kasal, habang nagsasagawa sila ng prosperity dance ay hindi nila inasahan na unti-unting dumarami ang mga nakasabit na salapi sa kanilang damit at nang bilangin nila ay ‘di nila inaasahan na umabot ito sa 629,000 pesos mula sa mga kamag-anak at mga bisita sa kasal.

Credit Photo:Ernie Piamonte

Nagviral ngayon ang kuha na litrato mula sa wedding videographer ng mag-asawa nang ibinahagi ito sa social media. Makikita ang libo-libong salapi na nakasabit sa kanilang damit pang kasal.

Ayon pa sa mag-asawa ay hindi naging madali ang pagpaplano sa kanilang kasal dahil humanap  talaga sila ng petsa upang maisama ang mga nais nila sa kanilang kasal. At aminado din sila na bawing-bawi sila sa gastos sa laki ng nalikom nila. 

Credit Photo:Ernie Piamonte

Idineposito nila sa bangko ang pera at humingi ng gabay sa mga magulang upang mapalago ang nalikom na salapi. Tunay nga na nakakainggit ang pangyayaring iyon. At maraming netizen ang nangarap na sana ay mangyari din sa kanila iyon. Masasabi nga na galante ang mga bisita sa araw ng kasalan na iyon. 


Credit Photo:Ernie Piamonte

Nakakamangha ang tig lilimang daan at tig iisang libo na tila naging palamuti sa damit ng bride at groom. Sana ay maging maayos at masaya ang pagsasama ng dalawa at mapalago nila ang pambihirang pagkakataon na magkaroon ng ganun kalaking biyaya.