Pinarangalan ang isang guro na isang siklista

Pinarangalan ang isang guro na isang siklista

“Naniniwala po ako na ang edukasyon ay para sa lahat. Hindi po dapat maging hadlang ang pandemya upang ‘di maabot ng kaalaman ang ating mga mag-aaral”. – Teacher Annie. 

Isang kwento na naman ang nagbigay inspirasyon sa ating lahat mula sa isang guro.

Si Dr. Mary Ann “Annie” Assong, isang magtuturo sa grade 10- MAPEH sa Emiliano Tria Tirona Memorial National High School ng Kawit, Cavite.

Dahil sa ipinagbabawal muna ang pisikal na pag-aaral ay si Teacher Annie na mismo ng naghahatid ng mga modules sa ka iyang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbiyahe gamit ang kanyang bisikleta.

Masugid niyang inihatid sa kabahayan ang mga aralin ng kanyang mga estudyante sa kabila man ng pandemya. 

Credit Photo:balita.net.ph

Dahil dito ay ginawaran siya ng parangal mismo ni Mayor Angelo Aguinaldo ng Kawit, Cavite mula sa patimpalak nitong PadyaKawit. Maraming entry daw ng mga siklista ang nakita ng mayor ngunit naantig siya sa isang kalahok na si Teacher Annie. At dahil sa estorya sa likod ng pagiging siklista ng guro ay siya ang napili ng alkalde para gawaran ng award. 


Credit Photo:balita.net.ph

Napahanga ng husto ang alkalde sa pagsusumikap ng guro na maihatid sa mga kabataan ang modules.

Ito ay pambihirang sakripisyo ng isang guro na iilang lamang talaga ang gumagawa ng paraan upang maibahagi pa ri  ang aralin sa kabila man ng new normal na pinagdadaanan natin sa ngayon. 

Credit Photo:Mayor Angelo Aguinaldo/facebook

Umani ng papuri ang guro dahil sa kadakilaan na kanyang nagawa. Sakay ng kanyang bisikleta ay nagtungo siya sa tanggapan ng alkalde upang tanggapin ang kanyang parangal. Tunay nga na isang guro si Teacher Annie.

May tunay na malasakit sa kanyang estudyante. Dagdag pa ng alkalde na sana ay tularan si Teacher Annie ng nakararami. At tiyak na maipagpapatuloy ng ating kabataan ang kaalaman na dapat ay maibahagi sa kanila.