Isang Guro pinagalitan ang kanyang estudyante dahil nagpaalam ito na mahuhuli sa kanyang klase

Isang Guro pinagalitan ang kanyang estudyante dahil nagpaalam ito na mahuhuli sa kanyang klase

Umani ngayon ng batikos ang isang guro mula sa Bohol Island State University Main Campus dahil sa ipinakitang pagmamalupit sa kanyang estudyante. 

Sa post na ibinahagi ni Lawrence Ginete ay Kitang-kita ang usapan ng isang guro at estudyante sa chat.

Nagpaalam ang kanyang estudyante na mahuhuli sa klase dahil tumulong siya sa paghahanap ng kidney donor para sa operasyon ng kanyang nobya.

Credit Photo:Lawrence Ginete

Hindi inasahan ng nakakabasa ang tugon ng guro sa mensahe ng estudyante. Imbes na intindihin ay pinagalitan pa niya ito.

Sa unang tugon pa lang ng guro ay nakakagulat na. Kahit nakiusap at kahit mabigyan ng mababang grado ang estudyante ay patuloy pa rin sa pagpapahirap ang guro. 

Credit Photo:Lawrence Ginete


Nagawa pang baliktarin ng guro ang sitwasyon. Tila pinalalabas niya na walang modo at walang respeto ang estudyante. Ngunit nag sorry pa ang estudyante at patuloy sa pakikiusap.

Subalit nagbanta pa ang guro na gawing basehan ang usapan nila sa chat upang mailagay ito sa good moral certificate ng estudyante.

Ipapamukha niya ang ka walang respeto diumano ng estudyante kahit saan banda tignan ay wala namang ginawa o sinabing mali ang estudyante. 

Agad kumalat sa social media ang chat messages at ang hitsura ng guro na may facebook account na Yangpi Payang. Nakakagulat at hindi mo talaga aasahan ang reaksyon ng guro sa pakiusap ng estudyante. 

Credit Photo:Lawrence Ginete

Naturingan pa naman na pangalawang ina ang guro sa  kabataan. Pero ang inasal ng guro ay hindi katanggap-tanggap. Dinidiin pa niya na siya ay teacher at estudyante lamang ang kanyang ka chat. Kong tutuusin ay sa umpisa pa lang ay magalang na itong humingi ng paumanhin. Subalit patuloy pa rin sa pagmamatigas at pagmamayabang ng guro. 

Sana mabigyan ng karampatang parusa ang inasal ng isang guro upang hindi na tularan.