Isang babae matagumpay na napalago ang negosyong ukay-ukay

Isang babae matagumpay na napalago ang negosyong ukay-ukay

Hindi nasusukat sa pinag-aralan ang pagkakaroon ng matagumpay na negosyo. May mga negosyante na sobrang layo ng kanilang pinagkakakitaan sa natapos nilang pinag-aralan. Kalimitan kasi kong ano ang iyong natapos na kurso ay iyon din ang iyong magiging trabaho.

Pero ibahin natin si Rachel Lucañas. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Elementary Education sa Bulacan Agricultural State College. Subalit hindi ang pagiging guro ang kinakarer ngayon ni Rachel kundi ang pagtitinda ng ukay-ukay.

Credit Photo:Rachel Lucañas/facebook

Marami daw ang hindi naniniwala sa kanyang kakayahan na mapalago ang negosyo ngunit nagtiyaga at nagsumikap ang babae para sa kanyang nais marating. Noong una ay nag-umpisa lamang sa isang bulto ng ukay-ukay at binenta niya ito online at siya pa mismo ang nagmodelo sa mga kasootan.

Siya din mismo ang nagdedeliver sa mga orders. Hanggang sa unti-unting lumalaki ang kanyang negosyo. Mula sa isa ay naging bulto-bulto na ang mga ukay-ukay na inaangkat niya at binebenta. At dahil diyan ay nakapagpatayo na siya ng warehouse at nakabili ng van para sa delivery.

Nakapagpatayo niya rin ng bahay ang mga magulang na tanging kassangga niya mula pa noon na nag-aaral siya. 

Credit Photo:Rachel Lucañas/facebook

Hindi rin daw naging madali ang laban niya sa negosyong sinimulan. Nariyan ang mga taong walang bilib sa kanya, subalit hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.

Payo niya ay mag-focus na lang sa mga nais gawin upang umunlad at hayaan na lamang ang mga taong walang tiwala sa ating kakayahan. 

Credit Photo:Rachel Lucañas/facebook


Ngayon ay marami ng bumilib kay Rachel. Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang tagumpay na kanyang tinatamasa.

Hindi man niya naipagpatuloy ang pagiging guro ay mas higit naman ang naging kapalit nito. Lalo na sa panahon ng pandemya ay kailangan talaga natin na dumiskarte sa buhay. Isang ehemplo si Rachel sa modernong kababaihan ngayon.