Isang binatilyo pinag sabay ang pagiging construction worker at pag-aaral na nakapagtapos bilang Valedictorian

Isang binatilyo pinag sabay ang pagiging construction worker at pag-aaral na nakapagtapos bilang Valedictorian

Mayaman man o mahirap ang edukasyon ay tinuturing na kayamanan. Ito ang katangi-tanging kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman.

Subalit may iilan pa rin sa mga kabataan na pinapabayaan ang pag-aaral, dala ng kahirapan at kapabayaan.

Gayunpaman, mayroon pa rin tayong kakilala o nababalitaan na nagtagumpay sa pag-aaral kahit ito ay sobrang hirap sa buhay. 

Credit Photo:abs-cbn news/youtube


Muli na naman napatunayan na hindi hadlang ang kahirapan upang makapagtapos ng pag-aaral. Ito ay pinatunayan ni Michael Español ng Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan.

Nagtapos siya ng high school sa Gueguesangen Integrated School bilang valedictorian at naging supreme student pa sa kanilang klase.

Sa kabila na pinagsabay ang trabaho at pag-aaral ay nangunguna pa sa klase ang binata. Proud na proud din ang kanyang mga magulang dahil maraming awards din ang nakuha ng kanilang anak. 

Credit Photo:abs-cbn news/youtube


Isang mananahi ang nanay ni Michael at isang messenger ang kanyang ama. Na madalas ay kinukulang ang kinikita ng magulang para sa kanilang pamilya.

Kaya naisipan ni Michael na mag sideline bilang construction worker. All around ang ginagampanan ni Michael sa construction.

Taga-pala, taga-halo ng semento at taga-buhat. Sa murang edad niya ay dinanas na niya ang ganitong trabaho. Pero punong-puno pa rin siya ng pag-asa na maabot ang mga pangarap sa buhay. At isa na nga nito ang makatapos ng high school. 

Sa halagang 250 bawat araw na sahod ay nakapag-ipon ito nang pambili ng school supplies.

At ang kaunting kinikita din ay malaking tulong upang maipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapagtapos. Umaasa ngayon si Michael na makahanap siya ng scholarship sa kolehiyo para sa balak niyang kurso na BS Accountancy.

Credit Photo:abs-cbn news/youtube

Isang inspirasyon ang nagawa ni Michael. Ang kwento niya ay isa na namang makakapagbukas ng isipan sa mga kabataan na isa-puso ang edukasyon at pahalagahan ito.