Isang ina binubuhay ang mga anak sa pagiging tricycle driver

Isang ina binubuhay ang mga anak sa pagiging tricycle driver

Ang isang ina ay tinaguriang ilaw ng tahanan. Sila rin ay kilala na gagawin ang lahat para sa mga anak. Kahit mag sakripisyo pa ay hindi nila ito iniintindi. Dahil sa pagmamahal sa mga anak nito. 

Hindi na nga bago sa panahon ngayon ang mga babae na nagtatrabaho upang buhayin ang pamilya. May mga career woman at working girls tayong tinatawag. Katulad na lamang ni Lelibeth Javillo.

Isang ina na tinataguyod ang mga anak sa pamamagitan ng pagiging tricycle driver. Kadalasan nga ay mga lalaki ang namamasada pero lakas-loob itong ginawa ni Lelibeth para sa pamilya. 

Source:Bryan Celeste Page


Dati raw ay nagtitinda siya ng miryenda sa paaralan. Gumigising siya ng maaga upang mamili ng mga sangkap sa gagawing miryenda. Sumasabay din siya sa kanyang mga anak sa paaralan para doon magtinda. Ngunit simula noong naghigpit ang paaralan dahil sa pandemya ay napilitang tumigil sa pagtitinda si Lelibeth. 

Kaya naman ay kumuha siya ng motorsiklo na hulugan at ginawang tricycle. Noong una ay natatakot siya dahil puro lalaki ang nakakasama niya. Naging miyembro siya ng TODA sa kanilang lugar at nag-iisang babae lamang siya sa kanilang hanay. Naging maayos din naman ang kaniyang pakikisama sa tulong na rin ng mga ka-miyembro niya. 

Source:Bryan Celeste Page

Itinataguyod niya ang pag-aaral ng mga anak sa pamamasada. Hindi niya ikinahiya ang hanap-buhay na kinabibilangan niya. Ito ay marangal. 

Labis na hinangaan ng netizen si Lelibeth. Sa tapang ng loob upang mabuhay ang mga anak ay tunay na kadakilaan ang kanyang tinatangi. Isang inspirasyon si Lelibeth para sa kanyang mga anak upang maging mabuting mag-aaral. Magandang ehemplo rin siya sa mga nanay na tinataguyod ang mga anak sa kabila ng kahirapan. 

Source:Bryan Celeste Page


Nawa’y tatagan pa ni Lelibeth ang sarili upang matagumpayan ang anumang unos at pagsubok na darating sa kanilang buhay.