Matulungin na pulis sa Naga nag-viral sa social media

Matulungin na pulis sa Naga nag-viral sa social media

May nababalitaan man tayo na mga pulis na nasasangkot sa illegal na gawain ay kahit papaano ay mayroon pang mga pulis na may dakilang puso. Kagaya na lamang sa ibinahaging larawan ng netizen na si Ronald Rodriguez.

Noong September 15, 2021 habang binabaybay niya ang daang Peñafrancia Avenue at Colgante Bridge sa Naga City ay nakita niya ang isang pulis na inaalalayan ang isang PWD sa pagtawid ng intersection.

Kinunan niya at inupload sa social media. At naging usap-usapan sa lugar nila. 

Credit Photo:Ronald Rodriguez


Nakilala ang pulis na si Police SSgt. Charito Gernale Dico na isang waray at bagong destino sa lugar.

Noong bahagi pa siya ng 501st Maneuver Company ng PNP-Camarines Sur. Ay kilala itong namimigay ng ayuda lalo na sa mga bata sa Brgy, Panoypoyan, Bula. Binabahagi niya sa mga ito ang kanyang rice allowance. 

Ang matanda naman ay si Luis Borce na isang PWD, 58 anyos na naka-wheelchair.

Namamalimos ang matanda sa Naga Metropolitan Cathedral. At daanan ng matanda ang kalyeng iyon pauwi ng Brgy. Balatas. Binibigyan daw ng pulis ng sobrang pagkain ang matanda na naka-pack lunch at pera para sa gastusin araw-araw. 

Credit Photo:Ronald Rodriguez


Ayon pa sa pulis, ay plano niyang bigyan ng grocery si tatay Luis upang kahit papano ay may pang-suporta ito sa sarili sa loob ng iilang araw. Lubos naman ang paghanga ng netizen kay Sir Dico. 

Hindi pa rin talaga nawawala ang good samaritan sa ating paligid. Aminin natin na may bad image ang mga pulis dahil na rin sa katiwalian ng iilan.

Subalit nariyan pa rin ang katulad ni Sir Dico na busilak ang puso at tapat sa serbisyo sa kapwa pilipino at lalo na sa may mga kapansanan. 

Credit Photo:Ronald Rodriguez


Isang mabuting ehemplo si Sir Charito Dico sa kanyang hanay. Sana marami pa ang katulad niya.