May second time around nga ba kina Paulo at LJ

May second time around nga ba kina Paulo at LJ

“We’re not friends, friends na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman.” – Lj Reyes

Usap-usapan ngayon sa social media world ang posibleng pagbabalikan nina Lj Reyes at Paulo Avelino. Nag-umpisa ito nang kamakailan ay nakapanayam ng batikang host na si Boy Abunda si Lj Reyes.

Naibahagi ni Lj na may komunikasyon naman daw sila ni Paulo dahil siya ang ama ng anak ni Lj na si Aki.

Hanggang sa ngayon ay regular naman daw ang komunikasyon ni Paulo sa kanyang 11 years old na anak.

Matatandaan na nagkarelasyon sina Lj at Paulo ng apat na taon at nagkahiwalay noong 2013. Mula din ang dalawang artista sa talent search na StarStruck ng GMA. 

Photo credit: whosdatedwho.com


Hindi naman masama kong magkabalikan nga sina Lj at Paulo. Subalit huwag sanang pangunahan at bigyan ng kahulugan ang pagkakaroon ng komunikasyon ng dalawa. Dahil habang buhay naman silang mayroong ugnayan dahil sa may anak sila. 

Mula sa dating relasyon ay nagkaroon muli ng pag-ibig si Lj sa katauhan ni Paolo contis noong 2016.

At nagkaroon pa nga sila ng anak. Ngunit noong September 2021 ay ibinunyag ni Lj na hiwalay na sila ni Paolo.

Nag-viral din ang mga post ng dalawa sa social media. Lalo na ang dahilan ng hiwalayan na diumano ay ang leading lady sa pelikula ni Paolo na si Yen Santos. Pero pareho itong pinabulaanan ng dalawa. 

Photo credit: kami.com.ph


Sa kabila ng lahat ay hindi pinakita ni Lj na labis siyang nasaktan sa pangyayari. Kadalasan pa nga itong masaya sa mga post niya. Sa ngayon ay tahimik ang magkabilang kampo sa estado ng sitwasyon nila matapos ang hiwalayan.

Photo credit: manilatimes.net


Mapapasaan ba ay maaayos din ang lahat. Ikanga, time will heal. May mga netizen din ang humanga sa sitwasyon ni Lj. Dalawang beses itong naging single mom. Malaking bahagi din ang pagiging positibo at hindi pagpatol sa mga kontrobersyal na nag uugnay sa pangalan ni Lj.