Isang mellinial nakapagpatayo na ng sariling gas station

Isang mellinial nakapagpatayo na ng sariling gas station

Ang swerte ng isang tao ay hindi natin alam kong kailan ito mangyayari. Pero sa kwento ng isang buhay ay masasabi ba natin na swerte o di kaya naman ay bunga ng pagsusumikap. 

Isang buhay na naman ang hinangaan ng netizen at napakagandang ehemplo sa kabataan ngayon. Dahil isa rin itong mellinial. Si John Ebreo 26 anyos, taga Sariaya, Quezon province.

Naging kusinero sa loob ng anim na taon sa Marlow Navigation Phils. Nakapagtapos sa Sariaya Institute at Lyceum of the Philippines University. At ngayon ay nagmamay-ari na ng gas station. 

Source: GMA NEWS facebook


Tunay nga na kahanga-hanga ang naging landas ng binatang ito. Sa maagang edad ay negosyante na ito at nalilinya pa ang negosyo niya sa pangunahing pangagailangan ng mga sasakyan, ang gasolina. Tama po.

Gas station owner na ang dating tagaluto sa barko. Subalit hindi rin naging madali ang pinagdaanan nito.

Bago naitayo ang negosyo ay tinulungan pa siya ng kanyang ama at ibenenta ang sasakyan upang dagdag puhunan sa negosyo ng anak. Ngunit wala pang isang taon ay napalitan agad ni John ng brand new car.

Nagsumikap na makapag-ipon ang binata habang nasa barko ito. At naging matatag siya na tuparin ang kanyang pangarap. 

Source: GMA NEWS facebook

Source: GMA NEWS facebook

Itinayo niya ang negosyo noong Mayo 2020, kasagsagan pa naman ng pandemya. Ngunit hindi ito naging hadlang upang maisakatuparan ang pangarap. Payo ni John sa mga kabataan ay huwag maging maluho masyado sa buhay. Mag-ipon upang may makakamtan. 

Source: GMA NEWS facebook


Labis naman ang paghanga ng netizens sa binatang si John. Tiyak na ang magandang kinabukasan kong darating ang panahon na may sarili na itong pamilya.

Muli ay patunay na naman si John sa atin na walang imposible kong tayo lamang ay magtitiwala at magsusumikap sa buhay. Kahit sa kahirapan at sa pandemyang dinaranas natin ay may mga tao pa rin na magiging inspirasyon natin upang ipagpatuloy ang pangarap.