Maureen Montagne wagi sa The Ms Globe 2021

Maureen Montagne wagi sa The Ms Globe 2021

Muli ay napatunayan natin na hindi talaga papatalo ang pinay sa larangan ng beauty pageant. November 6, 2021 sa Opera Theater Tirana, Albania kinoronahan ang filipino-american na si Maureen Montagne bilang The Miss Globe 2021.

Labis na hinangaan ng mga hurado si Maureen simula pa sa national costume in sampaguita flower inspired gown na gawa ni Patrick Isorena. Umani rin siya ng maraming puntos sa swimwear , evening gown at fashion runway round na gawa naman nina Louie Pangilinan at Ram Silva.

source: Maureen Montagne facebook

Ayun sa Binibining Pilipinas organizer ay malaki ang kumpyansa nila na magwagi si Maureen sa pageant na ito. Lalo na sa Q&A portion na sinabi niya na lahat tayo ay may angking ganda na pwedeng gamitin sa kabutihan. At ayun naman kay Rogel Flores na trainor ni Maureen ang kanyang pagkapanalo ay bunga ng matagal na pagtyatiyaga, sipag at disiplina. 


source: Maureen Montagne facebook

Ang Miss Globe ay nagsilbing culmination ni Maureen sa walong taong pagsabak niya sa iba’t-ibang beauty contest. Heto ang listahan ng mga sinalihan niyang beauty pageant:

Mutya ng Pilipinas 2013 (1st runner up) 

Miss Arizona USA 2015 (winner) 

Miss USA (top 15 semifinalist) 

Miss World America 2017 (1st runner up) 

Miss World Philippines 2018 (winner as Miss Eco Philippines 2018) 

Miss Eco International 2019 (1st runner up) 

Bb. Pilipinas 2021 (winner) 

The Miss Globe 2021 (winner) 

Sa Miss Eco International ay na dethroned si Miss Peru dahil nabuntis at automatic dahil 1st runner up si Maureen ay siya na ang papalit sa korona ngunit tinanggihan niya ito dahil sa commitment niya sa Bb. Pilipinas.


source: Maureen Montagne facebook


 Ipinanganak  siya noong July 10, 1993 sa Chandler, Arizona, USA na may filipino-french descent. May tangkad na 5’7″.  Bumalik siya ng bansa upang sumali sa patimpalak ng kagandahan. Nirepresenta niya ang Batangas sa mga beauty contest. Nangungulila na rin daw siya sa kanyang mga magulang na tatlong taon na niyang di nakikita sa personal dahil sa pandemic at commitment sa pageant.