Jake Cuenca binisita ang grab driver na nabaril sa insidente

Jake Cuenca binisita ang grab driver na nabaril sa insidente

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martino ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malimutan.”

 – Jake Cuenca

Sa nakaraang buwan ay nasangkot ang kapamilya actor na si Jake Cuenca sa isang road incident na nauwi sa habulan at pinagbabaril ng mga ununiformed police ang sasakyan na SUV Wrangler ng actor.

At may nadamay pa sa pangyayaring iyon, ang grab driver na si Eleazar Martino. 

Source: @juancarloscuenca/instagram

Sa instagram post ng actor ay ibinahagi niya ang mga kuhang larawan sa pagbisita niya sa nadamay na indibidwal. Laking pasasalamat ni Jake sa mga pulis na tumulong upang magkita sila ni Eleazar.

Dagdag pa nito ay nagpapasalamat din siya sa Panginoon dahil naging maayos na ang kalagayan ng grab driver at ang pamilya nito.

Hangad naman ng actor ang tuluyang paggaling at makabalik na sa trabaho si Eleazar. Nanumpa din ang grab driver na walang kasalanan si Jake sa insidente.

Matatandaan din na ipinagtanggol ni Paulo Avelino si Jake dahil papunta ito sa kanya ng mangyari ang habulan. Naging proud din ang girlfriend ni Jake na si Kylie Verzosa sa pagbisita nito sa taong nadamay.

Ayon pa kay Jake ay willing siyang tulungan si Eleazar at ang pamilya nito sa kahit ano mang paraan. 


Source: @juancarloscuenca/instagram


Sa kaso naman ni Jake ay pinabulaanan niya na nakulong siya. Ayun kay Eastern Police District Director Brig. Gen. Matthew Bacay ay agad naman na released sa Mandaluyong police custody ang actor dahil lumagpas na sa 12 hours reglementary period at minor offenses lang naman daw ang kaso.

Pero naka file na ang kasong Disobedience at Reckless Imprudence sa actor. 

Source: www.pep.ph

Sa insedenteng iyon ay galing diumano si Jake sa last cycle lock-in tapping ng new series na Viral Scandal. Muling mapapanood si Jake Cuenca sa seryeng ito ng ABS-CBN na mapapanood simula November 15, 2021 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, IwantTFC at TFC IPTV.