KRIS AQUINO, IBINAHAGI ANG FIRST DATE NILA NG KANYANG FIANCE

KRIS AQUINO, IBINAHAGI ANG FIRST DATE NILA NG KANYANG FIANCE

“This is the first time Mel and I ever ate out so you can say it was our first date.” 

-Kris Aquino

Wala na yatang katulad ang isang Kris Aquino sa pinoy showbiz. Bawat galaw at ganap sa buhay niya ay pinag-uusapan. Simula sa career hanggang sa personal na buhay nito ay pinagkaka-interesan ng karamihan. Mga pelikula, love life at kahit mga kontrobersyal na pangyayari sa buhay ng tv host/actress ay hindi nakakaligtas sa mausisang mata ng mga fans at bashers. 

Ibinahagi ng “Queen of all Media” sa kanyang instagram post ang diumano’y first date nila ng kanyang fiancé na si Mel Sarmiento. Galing ang dalawa sa kasalan at tatlong oras pa ang biyahe pabalik kaya napag desisyunan nilang kumain muna sa isang fast food chain. 

Source: Kris Aquino instagram

Agaw pansin ang kasootan nila dahil naka gown pa si Kris at naka barong naman si Mel. Agad naman napansin ng netizen ang kapayatan ni Kris. Inamin din ni Kris na nasa 95pounds ang kanyang timbang. 

Source: Kris Aquino instagram

Nagkakilala sina Kris at Mel noong 2016. Dating DILG Secretary si Mel Senen Sarmiento sa ilalim ng dating administrasyong Ninoy Aquino III. Nagkasabay ang dalawa sa sinasakyang helicopter at ayun kay Mel na na starstruck siya nang makita ang actress dahil crush daw niya ito. Nahihiya din siyang kausapin ito noon dahil kasama nila ang kapatid nitong dating presidente ng Pilipinas. Naging makulay ang love story ng dalawa kaya engaged na sila makalipas lang ang ilang buwan ng relasyon. Ang monthsary daw nila ay a month after her brother died on June 2021. Naging malaman naman ang sinabi ni Bimby (Kris’s second son) patungkol sa relasyon ng dalawa. “He loves you with no agenda”. 

Source: Kris Aquino instagram

At sinabi din ni Mel na “I will spend the rest of my life with her”. Si Mel ay may dalawang anak sa dating karelasyon.