ADHD sa isang Pbb housemate ipinaliwanag ni Doc. Randy

ADHD sa isang Pbb housemate ipinaliwanag ni Doc. Randy

ADHD – Attention Deficit Hyperactivity Disorder. Ito ngayon ang tila sensitibong usapin o hinaharap ng mga housemate sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10: Celebrity Edition.

Sa isang episode pinag uusapan nila ang tungkol kay Albie Casiño na may kakaibang ugali at ang hindi nila pagkikibuan ni Alexa Ilacad. 

Dahil dito kinausap ni Big Brother si Albie. At umamin nga ito na mayroon siyang ADHD. Ayun sa kanya na ang utak niya ay maraming iniisip kaya nauuwi siya sa pag e-exercise o work-out dahil doon nagkakaroon ng focus ang kanyang isipan. Dagdag pa niya ay mas nakakatulong ang work-out sa mental health niya kesa physical health. 

Source: abs-cbn entertainment 

Agad naman nagbigay ng paliwanag ang resident doctor ng Pbb na si Doc. Randy. Ayun ni Doc. RANDY “Ang ADHD ay nagkaka-imbalance ang brain chemicals or nagche-change ang structure mismo ng brain. This is one of the most common of childhood disorder and it may extend even upto old age. Sa taong may ADHD, anything na nakakainis sa kanya ay may trigger anger. So kahit maliit na bagay, or kinaiinisan niya, ay pwedeng lumiyab with trigger anger na yun. That’s the emotional disregulation of ADHD. So this ties up with another symptom pa na ang tawag ay impulsitivity na kong ano man ang naiisip nila o nararamdaman ay e a-act out nila yun. “

This image has an empty alt attribute; its file name is 85GyDTHObZ9NyyxswvWM8yjOCg2nc55wJK2PbIp6Ns9Qs1odYphvGMzJY6lQpSGNWkq0x51rlVajFrP6PGXDJQYWj6PAu1dane4UWfg42Sf9jIaOTEcdXUOA9YYWd88ExQQvjiZ-
Source: abs-cbn entertainment

Sa napag-usapan naman ng ibang housemates ay napagkasunduan nila na intindihin ang bawat ugali ng isa’t-isa. Nais lang naman nila na maging harmonious ang daloy sa pananatili nila sa bahay ni kuya. Inaayos na rin nila ang gusot sa pagitan nina Albie at Alexa. 

Source: abs-cbn entertainment

Tunay nga na kaabang-abang ang bawat season ng PBB. Isang reality show na orihinal na ginawa ng Endemol at naging patok sa mga pinoy nang ginawan ng pinoy version ng ABS-CBN. Abangan na lang natin ang patuloy na kwento gabi-gabi ng Pbb Season 10.